Knowing Ourselves in God’s Presence
DAILY DEVOTIONAL (6-24-2021)
7 Saan ako magpupunta, upang ako’y makatakas? Sa iyo bang Espiritu, ako ba’y makakaiwas? 8 Kung langit ang puntahan ko, tiyak na naroroon ka, sa daigdig ng mga patay, humimlay man ako’y ikaw din ang kasama; 9 kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan, o kaya ang tirahan ko’y ang duluhan ng kanluran; 10 tiyak ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan, matatagpo kita roon upang ako ay tulungan. 11 Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit, padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid; 12 maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim, at sa iyo yaong gabi’y parang araw na maningning, madilim ma’t maliwanag, sa iyo ay pareho rin. (Awit 139:7-12)
Paliwanag
Maraming bagay tungkol sa ating sarili ang lingid sa ating kaalaman. Ngunit alam ito ng Panginoon at nais Niyang ipahayag ito sa atin, hindi para hiyain tayo kundi upang matulungan tayo. Nais Niya na tayo ay makalaya sa kapangyarihan ng kasalanan. Ito ay magagawa lamang Niya sa pamamagitan ng ating kooperasyon, at hindi natin ito magagawa kung hindi natin makikilala ang ating sarili.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 139:7-12).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit mahirap malaman ang mga katotohanan patungkol sa ating sarili?
2. Paano natin malalaman ang katotohanan patungkol sa ating sarili?
3. Ano ang gagawin mo para maranasa ito?
Main Idea: “Malalaman natin ang katotohanan patungkol sa sarili natin sa presensiya ng Diyos.” (“We can only know the truth about ourselves in God’s presence.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.