How to Relate with Governing Authorities
DAILY DEVOTIONAL (6-13-2022)
1 Let everyone be subject to the governing authorities, for there is no authority except that which God has established. The authorities that exist have been established by God. 2 Consequently, whoever rebels against the authority is rebelling against what God has instituted, and those who do so will bring judgment on themselves. 3 For rulers hold no terror for those who do right, but for those who do wrong. Do you want to be free from fear of the one in authority? Then do what is right and you will be commended. 4 For the one in authority is God’s servant for your good. But if you do wrong, be afraid, for rulers do not bear the sword for no reason. They are God’s servants, agents of wrath to bring punishment on the wrongdoer. 5 Therefore, it is necessary to submit to the authorities, not only because of possible punishment but also as a matter of conscience. 6 This is also why you pay taxes, for the authorities are God’s servants, who give their full time to governing. 7 Give to everyone what you owe them: If you owe taxes, pay taxes; if revenue, then revenue; if respect, then respect; if honor, then honor. (Romans 13:1-7)
1 Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. 2 Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila’y nararapat sa parusa. 3 Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. 4 Sila’y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila’y may kapangyarihang magparusa.[a] Sila’y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. 5 Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi. 6 Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang tungkulin. 7 Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan. (Roma 13:1-7)
Paliwanag
Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na magpasakop sa mga taong may kapangyarihan sa gobiyerno. Hindi kalooban ng Diyos na maging rebelde tayo. Dahil sa pagkilala natin kay Cristo, tayo ngayon ay dapat mamuhay nang ayon sa Kanyang kalooban at kautusan.
[bctt tweet=”Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na magpasakop sa mga taong may kapangyarihan sa gobiyerno.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 13:1-7).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit madalas pinagtatalunan ang Roma 13:1-7?
2. Ano ang mahahalagang katotohanan na maaari natin kunin mula sa talatang ito?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na magpasakop sa mga taong may kapangyarihan sa gobiyerno.” (“The Gospel teaches us to be submissive toward governing authorities.”)
[bctt tweet=”The Gospel teaches us to be submissive toward governing authorities.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.