How to Live with Integrity
DAILY DEVOTIONAL (1-5-2022)
3 But among you there must not be even a hint of sexual immorality, or of any kind of impurity, or of greed, because these are improper for God’s holy people. 4 Nor should there be obscenity, foolish talk or coarse joking, which are out of place, but rather thanksgiving. 5 For of this you can be sure: No immoral, impure or greedy person—such a person is an idolater—has any inheritance in the kingdom of Christ and of God. 6 Let no one deceive you with empty words, for because of such things God’s wrath comes on those who are disobedient. (Ephesians 5:3-6)
3 Kayo’y mga hinirang ng Diyos, kaya’t hindi dapat mabanggit man lamang na kayo’y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o pag-iimbot. 4 Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos. 5 Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6 Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail. (Efeso 5:3-6)
Paliwanag
Ang integridad ay yung alam mo kung sino ka kay Cristo at namumuhay ka nang naaayon dito. Napakahalaga nito sa ating buhay bilang mga mananampalataya. Kinakailangan maunawaan natin kung sino tayo kay Cristo. Ito ang dapat maging basehan ng ating pamumuhay bilang mga mananampalataya sa mundong ito.
[bctt tweet=”Ang integridad ay yung alam mo kung sino ka kay Cristo at namumuhay ka nang naaayon dito.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 5:3-6).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mahalaga na maunawaan natin ang tunay na kahulugan ng integridad?
2. Paano tayo mamumuhay nang may integridad?
3. Ano ang gagawin mo bilang pagpapatupad sa katotohanan na ito?
Main Idea
“Ang integridad ay yung alam mo kung sino ka kay Cristo at namumuhay ka nang naaayon dito.” (“Integrity is knowing who you are in Christ and living accordingly.”)
[bctt tweet=”Integrity is knowing who you are in Christ and living accordingly.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.