How To Gain Spiritual Credibility To Influence Others
DAILY DEVOTIONAL (10-7-2021)
11 Command and teach these things. 12 Don’t let anyone look down on you because you are young, but set an example for the believers in speech, in conduct, in love, in faith and in purity. 13 Until I come, devote yourself to the public reading of Scripture, to preaching and to teaching. 14 Do not neglect your gift, which was given you through prophecy when the body of elders laid their hands on you. 15 Be diligent in these matters; give yourself wholly to them, so that everyone may see your progress. 16 Watch your life and doctrine closely. Persevere in them, because if you do, you will save both yourself and your hearers. (1 Timothy 4:11-16)
11 Ituro mo’t ipatupad ang lahat ng ito. 12 Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay. 13 Habang wala pa ako riyan, iukol mo ang iyong panahon sa pagbabasa ng Kasulatan sa harap ng mga tao, sa pangangaral at sa pagtuturo. 14 Huwag mong pabayaan ang kaloob na ibinigay sa iyo nang magsalita ang mga propeta at ipatong sa iyo ng mga matatandang pinuno ng iglesya ang kanilang kamay. 15 Isagawa mo ang mga ito at pag-ukulan mo ng panahon upang makita ng lahat ang iyong paglago. 16 Pakaingatan mo ang iyong sarili at ang iyong pagtuturo. Patuloy mong gawin ang mga ito sapagkat sa paggawa mo nito ay maliligtas ka, pati na ang mga nakikinig sa iyo. (1 Timoteo 4:11-16)
Paliwanag
Ang pagiging isang lider, lalo na sa komunidad ng mga Kristiyano, ay hindi nakasalalay sa iyong posisyon, personalidad, o kapangyarihan. Ang impluwensiya mo sa kommunidad ng mga Kristiano ay nakasalalay sa iyong espirituwal na kredibilidad. Ito ang kailangan bigyan ng pansin sa araw-araw. Kung hindi ka lumalago sa iyong pananampalataya, hindi ka rin magkakaroon ng impluwensiya sa iba.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (1 Timoteo 4:11-16).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit meron mga lider na walang mabisang impluwensiya sa iba?
2. Ano ang kailangan para magkaroon ng mabisang impluwensiya sa iba lalo na sa loob ng komunidad ng mga mananampalataya?
3. Paano natin matutulungan ang bawat isa para magkaroon ng impluwensiya sa iba?
Main Idea: “Ang impluwensiya mo sa kommunidad ng mga Kristiano ay nakasalalay sa iyong espirituwal na kredibilidad.” (“Your influence in the Christian community depends on your spiritual credibility.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.