Helping Believers Live According To Their True Identity In Christ
DAILY DEVOTIONAL (10-11-2021)
1 Since, then, you have been raised with Christ, set your hearts on things above, where Christ is, seated at the right hand of God. 2 Set your minds on things above, not on earthly things. 3 For you died, and your life is now hidden with Christ in God. 4 When Christ, who is your life, appears, then you also will appear with him in glory. (Colossians 3:1-4)
1 Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, 3 sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo. 4 Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya’y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang kaluwalhatian. (Colosas 3:1-4)
Paliwanag
Ang pangunahing katotohanan na dapat maunawaan ng isang mananampalataya ay ang tunay na pagkakakilanlan niya kay Cristo. Ito ang pinagmumulan ng kanyang katatagan at kapayapaan sa buhay. Ito rin ang madalas atakihin ng kaaway. Kapag ang pagkakakilanlan ng isang tao sa kanyang sarili ay ayon sa mga bagay sa mundong ito, magkakaroon ng pagkakataon ang kaaway na linlangin siya. Ito ang dahilan ng maraming kabiguan sa buhay ng isang mananampalataya.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Colosas 3:1-4).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga na tama ang pagkakilala ng isang mananampalataya sa kanyang sarili?
2. Ano dapat ang pagkilala ng isang mananampalataya sa kanyang sarili?
3. Paano natin matutulungan ang bawat isa na magkaroon ng tamang pagkilala sa sarili?
Main Idea: “Ang pangunahing katotohanan na dapat maunawaan ng isang mananampalataya ay ang tunay na pagkakakilanlan niya kay Cristo.” (“The foundational truth that a believer needs to grasp is his/her true identity in Christ.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.
Text content