Helping Believers Apply Their True Identity In Christ In Real Life
DAILY DEVOTIONAL (10-12-2021)
5 Put to death, therefore, whatever belongs to your earthly nature: sexual immorality, impurity, lust, evil desires and greed, which is idolatry. 6 Because of these, the wrath of God is coming. 7 You used to walk in these ways, in the life you once lived. 8 But now you must also rid yourselves of all such things as these: anger, rage, malice, slander, and filthy language from your lips. 9 Do not lie to each other, since you have taken off your old self with its practices 10 and have put on the new self, which is being renewed in knowledge in the image of its Creator. 11 Here there is no Gentile or Jew, circumcised or uncircumcised, barbarian, Scythian, slave or free, but Christ is all, and is in all. (Colossians 3:5-11)
5 Kaya’t patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6 Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya]. 7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito. 8 Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag kayong magsisinungaling sa isa’t isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya’t sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya’y nasa inyong lahat. (Colosas 3:5-11)
Paliwanag
Ang tanging batayan ng panibagong buhay ng isang mananampalataya ay kanyang totoong pagkakakilanlan kay Cristo. Ito ay hindi dahil sa nais niyang matanggap ng mga kapwa mananampalataya o kaya ay nais niyang masigurado ang pagpunta sa langit. Dahil siya ay isa ng bagong nilalang kay Cristo, ayon sa biyaya ng Diyos, maaari niyang maranasan ang tunay na pagbabago.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Colosas 3:5-11).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit may mga mananampalataya na patuloy pa rin sa buhay na makasalanan?
2. Ano ang susi para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay?
3. Paano natin magagabayan ang bawat isa patungo sa panibagong pamumuhay kay Cristo?
Main Idea: “Ang tanging batayan ng panibagong buhay ng isang mananampalataya ay kanyang totoong pagkakakilanlan kay Cristo.” (“The only basis for the believer’s renewed life is his/her true identity in Christ.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.