Handling Rejection
DAILY DEVOTIONAL (9-12-2022)
51 As the time approached for him to be taken up to heaven, Jesus resolutely set out for Jerusalem. 52 And he sent messengers on ahead, who went into a Samaritan village to get things ready for him; 53 but the people there did not welcome him, because he was heading for Jerusalem. 54 When the disciples James and John saw this, they asked, “Lord, do you want us to call fire down from heaven to destroy them?” 55 But Jesus turned and rebuked them. 56 Then he and his disciples went to another village. (Luke 9:51-56)
51 Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Jesus sa langit, buo na ang kanyang kapasyahang pumunta sa Jerusalem. 52 Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Pumunta sila sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. 53 Ngunit ayaw siyang patuluyin ng mga Samaritano dahil buo na ang kanyang kapasyahang pumunta sa Jerusalem. 54 Nang makita ito nina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, gusto ba ninyong magpaulan kami ng apoy mula sa langit upang sila’y lipulin [tulad ng ginawa ni Elias]?” 55 Ngunit hinarap sila ni Jesus at sila’y pinagalitan. [“Hindi ninyo alam kung anong espiritu ang nasa inyo. Ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang ipahamak kundi iligtas ang mga tao.”] 56 At nagpunta sila sa ibang nayon. (Lucas 9:51-56)
Paliwanag
Huwag hayaan ang pagtanggi na makahadlang sa iyong pupuntahan. Tulad rin ni Jesus, manatili tayo sa direksiyon na nais ng Panginoon para sa atin. Ituloy natin ang ipinapagawa sa atin ng Panginoon kahit na meron mga tumatanggi sa atin.
[bctt tweet=”Huwag hayaan ang pagtanggi na makahadlang sa iyong pupuntahan.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 9:51-56).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang madalas na pagtugon natin sa mga taong tumatanggi sa atin?
2. Ano ang dapat natin maging pagtugon kapag tayo ay tinatanggihan?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Huwag hayaan ang pagtanggi na makahadlang sa iyong pupuntahan.” (“Don’t let rejection hinder your direction.”)
[bctt tweet=”Don’t let rejection hinder your direction.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.