Guarding Against False Beliefs
DAILY DEVOTIONAL (3-28-2022)
1 Paul, an apostle—sent not from men nor by a man, but by Jesus Christ and God the Father, who raised him from the dead— 2 and all the brothers and sisters with me, to the churches in Galatia: 3 Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ, 4 who gave himself for our sins to rescue us from the present evil age, according to the will of our God and Father, 5 to whom be glory for ever and ever. Amen. 6 I am astonished that you are so quickly deserting the one who called you to live in the grace of Christ and are turning to a different gospel— 7 which is really no gospel at all. Evidently some people are throwing you into confusion and are trying to pervert the gospel of Christ. 8 But even if we or an angel from heaven should preach a gospel other than the one we preached to you, let them be under God’s curse! 9 As we have already said, so now I say again: If anybody is preaching to you a gospel other than what you accepted, let them be under God’s curse! (Galatians 1:1-9)
1 Mula kay Pablo na hinirang na apostol, hindi ng tao o sa pamamagitan ng tao, kundi ni Jesu-Cristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay kay Jesus, 2 at mula sa lahat ng mga kapatid na kasama ko, pagbati sa mga iglesya sa Galacia: 3 Sumainyo nawa ang kagandahang-loob at kapayapaang mula sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. 4 Inialay ni Jesu-Cristo ang kanyang sarili para sa ating kasalanan ayon sa kalooban ng ating Diyos Ama upang mahango tayo sa kasamaang naghahari ngayon sa sanlibutang ito. 5 Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen. 6 Nagtataka ako kung bakit kay dali ninyong tumalikod sa Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng kagandahang-loob ni Cristo at kayo’y bumaling agad sa ibang magandang balita. 7 Ang totoo’y wala namang ibang magandang balita; kaya nga lamang, may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baguhin ang Magandang Balita ni Cristo. 8 Subalit kahit kami o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na iba sa ipinangaral namin sa inyo, parusahan nawa siya ng Diyos! 9 Sinabi na namin ito sa inyo, at inuulit ko ngayon, parusahan nawa ng Diyos ang sinumang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na naiiba kaysa tinanggap na ninyo. (Galacia 1:1-9)
Paliwanag
Ang mga maling paniniwala ay mapanganib na kasinungalingan na nagkukunwaring katotohanan. Huwag tayo dapat naniniwala sa lahat ng mga naririnig natin. Hindi lahat ng bagay ay totoo. Suriin natin maigi ang mga pahayag ng mga tao ayon sa salita ng Diyos.
[bctt tweet=”Ang mga maling paniniwala ay mapanganib na kasinungalingan na nagkukunwaring katotohanan.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Galacia 1:1-9).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit marami sa mga mananampalataya ang madaling malinlang ng mga maling paniniwala?
2. Paano natin mababantayan ang ating sarili laban sa mga maling paniniwala?
3. Paano natin ipatutupad ito bilang isang komunidad ng mga mananampalataya?
Main Idea
“Ang mga maling paniniwala ay mapanganib na kasinungalingan na nagkukunwaring katotohanan.” (“False beliefs are dangerous lies disguised as truth.”)
[bctt tweet=”False beliefs are dangerous lies disguised as truth.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.