Greater Than All Superheroes Combined
DAILY DEVOTIONAL (11-26-2021)
That power is the same as the mighty strength 20 he exerted when he raised Christ from the dead and seated him at his right hand in the heavenly realms, 21 far above all rule and authority, power and dominion, and every name that is invoked, not only in the present age but also in the one to come. 22 And God placed all things under his feet and appointed him to be head over everything for the church, 23 which is his body, the fullness of him who fills everything in every way. (Ephesians 1:19b-23)
Ang dakilang kapangyarihan ding iyon 20 ang muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa kalangitan. 21 Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. 22 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya, 23 na siyang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng bagay. (Efeso 1:19b-23)
Paliwanag
Hindi kinakailangan na maghanap pa tayo sa iba. Kay Cristo natin matatagpuan ang lahat ng ating kakailanganin para matupad ang Kanyang layunin. Kung titingin pa tayo sa iba, mananatili tayong bigo at walang kompiyansa o pag-asa. Sa piling ng Panginoon Jesus, kumpleto na tayo.
[bctt tweet=”Kay Cristo natin matatagpuan ang lahat ng ating kakailanganin para matupad ang Kanyang layunin.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 1:19b-23).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Saan madalas tumitingin ang mga tao para sa katuparan ng kanilang mga pangangailangan?
2. Bakit si Jesus lamang ang ating kinakailangan sa buhay natin?
3. Paano natin mapapalago ang ating relasyon sa Panginoon para manatili tayong nagtitiwala sa Kanya?
Main Idea
“Kay Cristo natin matatagpuan ang lahat ng ating kakailanganin para matupad ang Kanyang layunin.” (“In Christ, we have everything we need to fulfill His purpose.”)
[bctt tweet=”In Christ, we have everything we need to fulfill His purpose.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.