God’s Wrath and His Character
DAILY DEVOTIONAL (4-29-2022)
1 What advantage, then, is there in being a Jew, or what value is there in circumcision? 2 Much in every way! First of all, the Jews have been entrusted with the very words of God. 3 What if some were unfaithful? Will their unfaithfulness nullify God’s faithfulness? 4 Not at all! Let God be true, and every human being a liar. As it is written: “So that you may be proved right when you speak and prevail when you judge.” 5 But if our unrighteousness brings out God’s righteousness more clearly, what shall we say? That God is unjust in bringing his wrath on us? (I am using a human argument.) 6 Certainly not! If that were so, how could God judge the world? 7 Someone might argue, “If my falsehood enhances God’s truthfulness and so increases his glory, why am I still condemned as a sinner?” 8 Why not say—as some slanderously claim that we say—“Let us do evil that good may result”? Their condemnation is just! (Romans 3:1-8)
1 Kung gayon, paano nakakalamang ang Judio sa hindi Judio? Ano ang kabuluhan ng pagiging tuli? 2 Napakarami! Una sa lahat, ang mga Judio ang pinagkatiwalaan ng mga pahayag ng Diyos. 3 Ano nga kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Ang ibig kayang sabihin niyon ay hindi na rin tapat ang Diyos? 4 Hinding-hindi! Ang Diyos ay tapat at totoo kahit na sinungaling pa ang lahat ng tao. Ayon nga sa nasusulat, “Kapag ikaw ay nagsalita, papatunayan kang matuwid at kung ikaw ay hahatulan, ikaw ay mananaig.” 5 Ngunit kung ang kasamaan natin ay nagpapakilala ng katarungan ng Diyos, masasabi ba nating hindi siya makatarungan dahil tayo’y pinaparusahan niya? (Ganyan ang pangangatuwiran ng tao.) 6 Hinding-hindi! Kung hindi makatarungan ang Diyos, paano niya hahatulan ang sanlibutan? 7 Kung sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay lalong lumilitaw ang kaluwalhatian ng Diyos, sapagkat lalong nakikilala na siya’y tapat, bakit pa niya ako paparusahan bilang isang makasalanan? 8 Kung gayon, bakit nga hindi natin sabihin, “Gumawa tayo ng masama kung mabuti naman ang magiging bunga nito”? Ganyan daw ang itinuturo namin, sabi ng mga naninira sa amin. Sila’y paparusahan ng Diyos, at iyan ang nararapat. (Romans 3:1-8)
Paliwanag
Ang poot ng Diyos ay hindi nagbabago ng Kanyang katangian bilang Diyos. Maaari tayo magtiwala sa kabutihan at pagmamahal ng Diyos. Ganun rin naman, kailangan natin kilalanin ang paghuhukom ng Diyos.
[bctt tweet=”Ang poot ng Diyos ay hindi nagbabago ng Kanyang katangian bilang Diyos.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 3:1-8).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit nahihirapan ang mga tao sa konsepto ng paghuhukom ng Diyos?
2. Ano ang dapat natin maging pananaw patungkol sa paghuhukom ng Diyos?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang poot ng Diyos ay hindi nagbabago ng Kanyang katangian bilang Diyos.” (“God’s wrath does not alter His unchanging character.”)
[bctt tweet=”God’s wrath does not alter His unchanging character.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.