God’s Wisdom and Power in Salvation
DAILY DEVOTIONAL (6-7-2022)
33 Oh, the depth of the riches of the wisdom and knowledge of God! How unsearchable his judgments, and his paths beyond tracing out! 34 “Who has known the mind of the Lord? Or who has been his counselor?” 35 “Who has ever given to God, that God should repay them?” 36 For from him and through him and for him are all things. To him be the glory forever! Amen. (Romans 11:33-36)
33 Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat, 34 “Sino ang nakakaalam sa pag-iisip ng Panginoon? Sino ang maaaring maging tagapayo niya? 35 Sino ang nakapagbigay ng anuman sa kanya na dapat niyang bayaran?” 36 Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen. (Roma 11:33-36)
Paliwanag
Ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos ay dapat magresulta ng papuri at pagkamangha sa atin. Hndi kayabangan. Hindi natin kayang unawain ang lahat ng bagay patungkol sa Diyos at sa Kanyang pagliligtas sa tao. Matuto tayong magpakumbaba kahit meron tayong konting kaalaman.
[bctt tweet=”Ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos ay dapat magresulta ng papuri at pagkamangha sa atin.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 11:33-36).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit minsan nagmamalaki ang mga tao sa konti nilang nalalaman patungkol sa Diyos?
2. Bakit kailangan magpakumbaba tayo pagdating sa mga bagay na ito?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos ay dapat magresulta ng papuri at pagkamangha sa atin.” (“God’s wisdom and power should lead us to worship and wonder.”)
[bctt tweet=”God’s wisdom and power should lead us to worship and wonder.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.