God’s Mysterious Ways
DAILY DEVOTIONAL (6-6-2022)
25 I do not want you to be ignorant of this mystery, brothers and sisters, so that you may not be conceited: Israel has experienced a hardening in part until the full number of the Gentiles has come in, 26 and in this way[a] all Israel will be saved. As it is written: “The deliverer will come from Zion; he will turn godlessness away from Jacob. 27 And this is[b] my covenant with them when I take away their sins.” 28 As far as the gospel is concerned, they are enemies for your sake; but as far as election is concerned, they are loved on account of the patriarchs, 29 for God’s gifts and his call are irrevocable. 30 Just as you who were at one time disobedient to God have now received mercy as a result of their disobedience, 31 so they too have now become disobedient in order that they too may now receive mercy as a result of God’s mercy to you. 32 For God has bound everyone over to disobedience so that he may have mercy on them all. (Romans 11:25-32)
25 Mga kapatid, isang hiwaga ang nais kong malaman ninyo upang hindi maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng Israel ay sa isang bahagi lamang hanggang sa mabuo ang takdang bilang ng lahat ng mga Hentil na lalapit sa Diyos. 26 Sa paraang ito, maliligtas ang buong Israel; tulad ng nasusulat: “Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas. Papawiin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob. 27 At ito ang gagawin kong kasunduan namin kapag pinawi ko na ang kanilang mga kasalanan.” 28 Dahil tinanggihan ng mga Israelita ang Magandang Balita, sila’y naging kaaway ng Diyos, at kayong mga Hentil ang nakinabang. Ngunit dahil sa sila ang mga hinirang ng Diyos, sila’y mahal pa rin niya, alang-alang sa kanilang mga ninuno. 29 Sapagkat hindi nagbabago ng isip ang Diyos tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag. 30 Noon, kayong mga Hentil ay hindi sumusunod sa Diyos, ngunit ngayon, kayo ay tumanggap ng habag ng Diyos nang sumuway ang mga Judio. 31 Gayundin naman, dahil sa habag ng Diyos na inyong naranasan, sinusuway naman ngayon ng mga Judio ang Diyos, nang sa gayo’y maranasan din nila [ngayon] ang kanyang habag. 32 Sapagkat hinayaan ng Diyos na maalipin sa pagsuway ang lahat ng tao upang maipadama niya sa kanila ang kanyang habag. (Roma 11:25-32)
Paliwanag
Dapat magtiwala sa Diyos nang may pagpapakumbaba na Siya ay gumagawa nang mahiwaga. Huwag lang natin tingnan ang mga bagay na nakikita ng ating mga mata. Bagkus, magtiwala tayo sa Diyos na kumikilos sa likod ng mga bagay-bigay, lingid sa ating kaalaman o pang-uunawa.
[bctt tweet=”Dapat magtiwala sa Diyos nang may pagpapakumbaba na Siya ay gumagawa nang mahiwaga.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 11:25-32).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang nararamdaman mo kapag may kausap ka na matigas ang puso o ayaw manampalataya sa salita ng Diyos?
2. Ano ang dapat natin tatandaan sa mga pagkakataon na ganito?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay?
Main Idea
“Dapat magtiwala sa Diyos nang may pagpapakumbaba na Siya ay gumagawa nang mahiwaga.” (“We must trust God with humility that He is working mysteriously.”)
[bctt tweet=”We must trust God with humility that He is working mysteriously.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.