God’s Fair Judgment
DAILY DEVOTIONAL (4-26-2022)
You, therefore, have no excuse, you who pass judgment on someone else, for at whatever point you judge another, you are condemning yourself, because you who pass judgment do the same things. 2 Now we know that God’s judgment against those who do such things is based on truth. 3 So when you, a mere human being, pass judgment on them and yet do the same things, do you think you will escape God’s judgment? 4 Or do you show contempt for the riches of his kindness, forbearance and patience, not realizing that God’s kindness is intended to lead you to repentance? 5 But because of your stubbornness and your unrepentant heart, you are storing up wrath against yourself for the day of God’s wrath, when his righteous judgment will be revealed. 6 God “will repay each person according to what they have done.” 7 To those who by persistence in doing good seek glory, honor and immortality, he will give eternal life. 8 But for those who are self-seeking and who reject the truth and follow evil, there will be wrath and anger. 9 There will be trouble and distress for every human being who does evil: first for the Jew, then for the Gentile; 10 but glory, honor and peace for everyone who does good: first for the Jew, then for the Gentile. 11 For God does not show favoritism. (Romans 2:1-11)
Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon. 2 Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon. 3 Hinahatulan mo ang mga gumagawa ng mga bagay na ginagawa mo rin. Akala mo ba’y makakaiwas ka sa hatol ng Diyos? 4 O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya’y napakabait, matiisin, at mapagpasensya? Hindi mo ba alam na ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa iyo upang magsisi at tumalikod sa kasalanan? 5 Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ayaw mong magsisi, lalo mong pinapabigat ang parusang igagawad sa iyo sa Araw na iyon, kung kailan ihahayag ang poot at makatarungang paghatol ng Diyos. 6 Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa. 7 Buhay na walang hanggan ang ibibigay niya sa mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, at naghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang kamatayan. 8 Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kasamaan. 9 Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayundin ang mga Hentil. 10 Ngunit kapurihan, karangalan at kapayapaan naman ang tatamuhin ng bawat gumagawa ng mabuti, una ang mga Judio at gayundin ang mga Hentil 11 sapagkat walang kinikilingan ang Diyos. (Romans 2:1-11)
Paliwanag
Ang paghatol ng Diyos ay magiging patas at walang maliligtas maliban sa pamamagitan ng Ebanghelyo. Lahat tayo ay walang maidadahilan sa Panginoon. Ang paghuhukom ng Diyos ay magiging patas para sa lahat. Maliban sa pamamagitan ng Ebanghelyo, walang tao ang maliligtas sa paghahatol ng Diyos sa sanlibutan.
[bctt tweet=”Ang paghatol ng Diyos ay magiging patas at walang maliligtas maliban sa pamamagitan ng Ebanghelyo.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Romans 2:1-11).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mahalaga na malaman natin na patas ang paghuhukom ng Diyos?
2. Ano ang kahulugan nito para sa lahat ng tao?
3. Paano mo ipatutupad ito sa buhay mo?
Main Idea
“Ang paghatol ng Diyos ay magiging patas at walang maliligtas maliban sa pamamagitan ng Ebanghelyo.” (“God’s judgment will be fair and no one will be saved except through the Gospel.”)
[bctt tweet=”God’s judgment will be fair and no one will be saved except through the Gospel.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.