Full Life In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (7-15-2022)
25 Now there was a man in Jerusalem called Simeon, who was righteous and devout. He was waiting for the consolation of Israel, and the Holy Spirit was on him. 26 It had been revealed to him by the Holy Spirit that he would not die before he had seen the Lord’s Messiah. 27 Moved by the Spirit, he went into the temple courts. When the parents brought in the child Jesus to do for him what the custom of the Law required, 28 Simeon took him in his arms and praised God, saying: 29 “Sovereign Lord, as you have promised, you may now dismiss[a] your servant in peace. 30 For my eyes have seen your salvation, 31 which you have prepared in the sight of all nations: 32 a light for revelation to the Gentiles, and the glory of your people Israel.” 33 The child’s father and mother marveled at what was said about him. 34 Then Simeon blessed them and said to Mary, his mother: “This child is destined to cause the falling and rising of many in Israel, and to be a sign that will be spoken against, 35 so that the thoughts of many hearts will be revealed. And a sword will pierce your own soul too.” (Luke 2:25-35)
25 May isang tao noon sa Jerusalem na ang pangala’y Simeon, isang lalaking matuwid, may takot sa Diyos at naghihintay sa katubusan ng Israel. Nasa kanya ang Espiritu Santo. 26 Ipinahayag ng Espiritu Santo sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Cristo na ipinangako ng Panginoon. 27 Sa patnubay ng Espiritu, si Simeon ay pumasok sa Templo. At nang dalhin doon nina Jose at Maria ang sanggol na si Jesus upang tuparin ang ayon sa itinatakda ng Kautusan, 28 kinarga ni Simeon ang sanggol. Pagkatapos, nagpuri siya sa Diyos, 29 “Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa ang inyong abang alipin ayon sa inyong pangako. 30 Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas, 31 na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa. 32 Ito po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil at magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel.” 33 Namangha ang mga magulang ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa bata. 34 Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutuligsain siya ng marami, 35 kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil dito, magdaranas ka ng matinding kapighatiang parang isang patalim na itinarak sa iyong puso.” (Lucas 2:25-35)
Paliwanag
Kung paano tayo nabuhay ay mas mahalaga kaysa sa haba nito. Nawa habang tumatanda tayo, mas lalo tayo natututo kung paano mamuhay ayon sa gabay ng Espiritu Santo. Nawa mas lalo tayo nakikiisa sa gawain ng Panginoon. At higit sa lahat, sana mas lalo tayo nagiging katulad ni Cristo sa ating pag-uugali.
[bctt tweet=”Kung paano tayo nabuhay ay mas mahalaga kaysa sa haba nito.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 2:25-35).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang kadalasan na nangyayari habang tumatanda ang isang tao?
2. Paano tayo mamumuhay nang mas maigi sa ating pagtanda?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Kung paano tayo nabuhay ay mas mahalaga kaysa sa haba nito.” (“How we live is more important than its length.”)
[bctt tweet=”How we live is more important than its length.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.