Fulfilling Our God-Given Responsibility
DAILY DEVOTIONAL (6-1-2022)
14 How, then, can they call on the one they have not believed in? And how can they believe in the one of whom they have not heard? And how can they hear without someone preaching to them? 15 And how can anyone preach unless they are sent? As it is written: “How beautiful are the feet of those who bring good news!” 16 But not all the Israelites accepted the good news. For Isaiah says, “Lord, who has believed our message?” 17 Consequently, faith comes from hearing the message, and the message is heard through the word about Christ. 18 But I ask: Did they not hear? Of course they did: “Their voice has gone out into all the earth, their words to the ends of the world.” 19 Again I ask: Did Israel not understand? First, Moses says, “I will make you envious by those who are not a nation; I will make you angry by a nation that has no understanding.” 20 And Isaiah boldly says, “I was found by those who did not seek me; I revealed myself to those who did not ask for me.” 21 But concerning Israel he says, “All day long I have held out my hands to a disobedient and obstinate people.” (Romans 10:14-21)
14 Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? 15 At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang Balita!” 16 Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?” 17 Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo. 18 Subalit ang tanong ko’y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila’y nakapakinig! Sapagkat nasusulat, “Abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, ang sinasabi nila’y nakarating hanggang sa dulo ng daigdig.” 19 Ito pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel? Noon pa man ay sinabi na ni Moises, “Gagamitin ko ang mga taong di man lamang isang bansa upang kayo’y inggitin, gagamitin ko ang isang bansang hangal upang kayo’y galitin.” 20 Buong tapang namang ipinahayag ni Isaias, “Natagpuan ako ng mga hindi naghanap sa akin. Nagpahayag ako sa mga hindi nag-usisa tungkol sa akin.” 21 Subalit tungkol naman sa Israel ay sinabi niya, “Buong maghapon akong nanawagan sa isang suwail at mapaghimagsik na bayan!” (Roma 10:14-21)
Paliwanag
Ang ipahayag ang Ebanghelyo nang malinaw ay pananagutan natin mula sa Diyos. Huwag natin sisihin ang mga di mananampalataya kung hindi pa naman nila naririnig ang Ebanghelyo o kaya wala pa sa atin ang nagpapaliwanag nang maigi sa kanila para sila ay manampalataya.
[bctt tweet=”Ang ipahayag ang Ebanghelyo nang malinaw ay pananagutan natin mula sa Diyos.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 10:14-21).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mahalaga na ipaliwanag ang Ebanghelyo sa mga di mananampalataya?
2. Bakit madalas nagkukulang tayo sa pagpapaliwanag?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang ipahayag ang Ebanghelyo nang malinaw ay pananagutan natin mula sa Diyos.” (“Proclaiming the Gospel clearly is our God-given responsibility.”)
[bctt tweet=”Proclaiming the Gospel clearly is our God-given responsibility.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.