Following and Suffering for Christ
DAILY DEVOTIONAL (8-10-2022)
20 Looking at his disciples, he said: “Blessed are you who are poor, for yours is the kingdom of God. 21 Blessed are you who hunger now, for you will be satisfied. Blessed are you who weep now, for you will laugh. 22 Blessed are you when people hate you, when they exclude you and insult you and reject your name as evil, because of the Son of Man. 23 “Rejoice in that day and leap for joy, because great is your reward in heaven. For that is how their ancestors treated the prophets. 24 “But woe to you who are rich, for you have already received your comfort. 25 Woe to you who are well fed now, for you will go hungry. Woe to you who laugh now, for you will mourn and weep. 26 Woe to you when everyone speaks well of you, for that is how their ancestors treated the false prophets. (Luke 6:20-26)
20 Tumingin si Jesus sa mga alagad, at sinabi, “Pinagpala kayong mga dukha, sapagkat sa inyo ang kaharian ng Diyos! 21 “Pinagpala kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo’y bubusugin. “Pinagpala kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo’y magsisitawa! 22 “Pinagpala kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopootan kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinaparatangang kayo ay masama. 23 Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta. 24 “Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman ngayon, sapagkat natamasa na ninyo ang kaginhawahan. 25 “Kahabag-habag kayong mga busog ngayon, sapagkat kayo’y magugutom! “Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon, sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis! 26 “Kahabag-habag kayo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga huwad na propeta.” (Lucas 6:20-26)
Paliwanag
Mas maganda pa rin ang sumunod at magdusa para kay Cristo. Kahit na ang tingin ng mga tao ay lugi tayo. Kapag sinuma natin ang makakamtan natin bilang mga alagad ni Cristo, makikita natin na higit na mapalad tayo. Kaya huwag natin ikahiya ang pagiging alagad ni Cristo.
[bctt tweet=”Mas maganda pa rin ang sumunod at magdusa para kay Cristo.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 6:20-26).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit ayaw ng ilang na magseryoso sa kanilang pagsunod kay Cristo?
2. Bakit mas maganda ang maging alagad ni Cristo kaysa hindi?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Mas maganda pa rin ang sumunod at magdusa para kay Cristo.” (“It’s still better to follow and suffer for Christ.”)
[bctt tweet=”It’s still better to follow and suffer for Christ.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.