Experiencing Life Together In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (8-2-2021)
10 My fellow prisoner Aristarchus sends you his greetings, as does Mark, the cousin of Barnabas. (You have received instructions about him; if he comes to you, welcome him.) 11 Jesus, who is called Justus, also sends greetings. These are the only Jews among my co-workers for the kingdom of God, and they have proved a comfort to me. 12 Epaphras, who is one of you and a servant of Christ Jesus, sends greetings. He is always wrestling in prayer for you, that you may stand firm in all the will of God, mature and fully assured. 13 I vouch for him that he is working hard for you and for those at Laodicea and Hierapolis. 14 Our dear friend Luke, the doctor, and Demas send greetings. 15 Give my greetings to the brothers and sisters at Laodicea, and to Nympha and the church in her house. (Colossians 4:10-15)
10 Kinukumusta kayo ni Aristarco, na bilanggo ring kasama ko, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Tungkol naman kay Marcos, mayroon nang bilin sa inyo na malugod ninyo siyang tanggapin pagdating niya riyan. 11 Kinukumusta rin kayo ni Jesus na kilala rin sa pangalang Justo. Silang tatlo lamang ang mga mananampalatayang Judio na kasama ko rito sa pangangaral tungkol sa kaharian ng Diyos, at sila’y malaking tulong sa akin. 12 Kinukumusta rin kayo ng kasamahan ninyong si Epafras, na lingkod ni Cristo Jesus. Lagi niyang idinadalangin nang buong taimtim na kayo’y maging matatag, ganap, at lubos na panatag sa kalooban ng Diyos. 13 Saksi ako sa pagsisikap niya para sa inyo at sa mga nasa Laodicea at Hierapolis. 14 Nangungumusta rin sa inyo si Demas at ang minamahal nating manggagamot na si Lucas. 15 Ikumusta ninyo ako sa mga kapatid sa Laodicea, gayundin kay Nimfa at sa iglesyang nagtitipon sa kanyang bahay. (Colosas 4:10-15)
Paliwanag
Lahat tayo ay may pamilya at mga kaibigan na kasama natin sa buhay. Ngunit hindi lahat sa atin ay may mga kaibigan sa pananampalataya na kasama natin sa buhay natin sa Panginoon. Magkaiba ito. Ang magkaroon ng mga tunay na kaibigan sa pananampalataya ay ganap na pagpapala na kailangan natin sa ating buhay.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Colosas 4:10-15).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang kakaibahan ng mga ordinaryong kaibigan sa mga kaibigan sa pananampalataya?
2. Bakit mahalaga na magkaroon rin tayo ng mga tunay na kaibigan sa pananampalataya?
3. Paano natin ito ipatutupad sa ating grupo?
Main Idea: “Ang maranasan ang buhay nang sama-sama ang nagpapalago sa ating relasyon sa isa’t isa.” (“Experiencing life together develops our relationship with each other.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.