Eternal Life Starts Here and Now
DAILY DEVOTIONAL (6-14-2021)
1 Sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa’y siya na, ang Salitang nagbibigay-buhay. Siya ay aming narinig at nakita, napagmasdan at nahawakan. 2 Nahayag ang buhay na ito, nakita namin siya, at pinapatotohanan namin at ipinapangaral sa inyo ang buhay na walang hanggan na kasama ng Ama, at nahayag sa amin. 3 Ipinapahayag nga namin sa inyo ang aming nakita’t narinig upang makasama kayo sa aming pakikiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. 4 Isinusulat namin ito upang malubos ang aming kagalakan. (1 Juan 1:1-4)
Paliwanag
Mahirap mamuhay ayon sa maling akala. Kapag mali ang ating mga pinaniniwalaan, makakaapekto ito sa kalidad at uri ng ating pamumuhay. Maaapektuhan rin ang ating mga karanasan lalo na sa Panginoon. Tulad halimbawa ng ating paniniwala patungkol sa kaligtasan o buhay na walang hanggan. Hindi kinakailangan na mamatay ka muna bago mo maranasan ito. Ngayon pa lang ay maaari mo na maranasan ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (1 Juan 1:1-4).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ang kadalasan na paniniwala ng mga tao patungkol sa buhay na walang hanggan?
2. Ano ang dapat natin maunawaan at panampalatayaan patungkol sa buhay na walang hanggan? Bakit mahalaga ito?
3. Paano mo ipatutupad ang katotohanan na ito sa iyong buhay?
Main Idea: “Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, maaari na natin maranasan ngayon pa lang ang buhay na walang hanggan.” (“Through faith in Jesus, our eternal life starts here and now.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.