Effective Communication
DAILY DEVOTIONAL (7-20-2022)
In the fifteenth year of the reign of Tiberius Caesar—when Pontius Pilate was governor of Judea, Herod tetrarch of Galilee, his brother Philip tetrarch of Iturea and Traconitis, and Lysanias tetrarch of Abilene— 2 during the high-priesthood of Annas and Caiaphas, the word of God came to John son of Zechariah in the wilderness. 3 He went into all the country around the Jordan, preaching a baptism of repentance for the forgiveness of sins. 4 As it is written in the book of the words of Isaiah the prophet: “A voice of one calling in the wilderness, ‘Prepare the way for the Lord, make straight paths for him. 5 Every valley shall be filled in, every mountain and hill made low. The crooked roads shall become straight, the rough ways smooth. 6 And all people will see God’s salvation.’” 7 John said to the crowds coming out to be baptized by him, “You brood of vipers! Who warned you to flee from the coming wrath? 8 Produce fruit in keeping with repentance. And do not begin to say to yourselves, ‘We have Abraham as our father.’ For I tell you that out of these stones God can raise up children for Abraham. 9 The ax is already at the root of the trees, and every tree that does not produce good fruit will be cut down and thrown into the fire.” 10 “What should we do then?” the crowd asked. 11 John answered, “Anyone who has two shirts should share with the one who has none, and anyone who has food should do the same.” 12 Even tax collectors came to be baptized. “Teacher,” they asked, “what should we do?” 13 “Don’t collect any more than you are required to,” he told them. 14 Then some soldiers asked him, “And what should we do?” He replied, “Don’t extort money and don’t accuse people falsely—be content with your pay.” (Luke 3:1-14)
Ikalabinlimang taon noon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea at si Herodes ang pinuno sa Galilea. Ang kapatid nitong si Felipe ang pinuno sa lupain ng Iturea at Traconite at si Lisanias ang pinuno sa Abilinia. 2 Nang sina Anas at Caifas ang mga pinakapunong pari ng mga Judio, si Juan na anak ni Zacarias ay nakatira sa ilang. Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita kay Juan, 3 kaya’t nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan. Siya’y nangaral, “Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos.” 4 Sa gayon, natupad ang nakasulat sa aklat ni Propeta Isaias, “Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon. Gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran! 5 Matatambakan ang bawat libis, at mapapatag ang bawat burol at bundok. Magiging tuwid ang daang liku-liko, at patag ang daang baku-bako. 6 At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’” 7 Kaya’t sinabi ni Juan sa maraming taong lumapit sa kanya upang magpabautismo, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa poot na darating? 8 Ipakita ninyo sa pamamagitan ng gawa na nagsisisi kayo, at huwag ninyong sabihing mga anak kayo ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, mula sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham. 9 Ngayon pa ma’y nakaamba na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.” 10 Tinanong siya ng mga tao, “Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?” 11 Sumagot siya sa kanila, “Sinumang mayroong dalawang balabal, ibigay mo ang isa sa wala. Gayon din ang gawin ng sinumang may pagkain.” 12 Dumating din ang mga maniningil ng buwis upang magpabautismo. Sila’y nagtanong sa kanya, “Guro, ano po ang dapat naming gawin?” 13 “Huwag kayong sumingil nang higit sa dapat singilin,” tugon niya. 14 Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami po naman, ano ang dapat naming gawin?” “Huwag kayong kukuha ng pera kaninuman nang sapilitan o sa pamamagitan ng hindi makatuwirang paratang, at masiyahan kayo sa inyong sweldo,” sagot niya. (Lucas 3:1-14)
Paliwanag
Para maging epektibo sa ating komunikasyon, kailangan ipahayag natin ang salita ng Diyos nang tapat at malinaw. Kailangan mapakinggan natin nang mabuti ang sinasabi ng Panginoon sa Kanyang salita. Kailangan rin na ipahayag natin ito nang tapat at malinaw. Higit sa lahat, kailangan ipaalam natin sa mga tao kung paano nila ito maipatutupad sa kanilang buhay sa praktikal na pamamaraan.
[bctt tweet=”Para maging epektibo sa ating komunikasyon, kailangan ipahayag natin ang salita ng Diyos nang tapat at malinaw.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 3:1-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mas epektibo ang mga tao sa mundo pagdating sa komunikasyon?
2. Paano natin mapagbubuti ang pagpapahayag natin ng salita ng Diyos?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Para maging epektibo sa ating komunikasyon, kailangan ipahayag natin ang salita ng Diyos nang tapat at malinaw.” (“To communicate effectively, we must communicate God’s word faithfully and clearly.”)
[bctt tweet=”To communicate effectively, we must communicate God’s word faithfully and clearly.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.