Confidence in the Gospel
DAILY DEVOTIONAL (5-24-2022)
31 What, then, shall we say in response to these things? If God is for us, who can be against us? 32 He who did not spare his own Son, but gave him up for us all—how will he not also, along with him, graciously give us all things? 33 Who will bring any charge against those whom God has chosen? It is God who justifies. 34 Who then is the one who condemns? No one. Christ Jesus who died—more than that, who was raised to life—is at the right hand of God and is also interceding for us. 35 Who shall separate us from the love of Christ? Shall trouble or hardship or persecution or famine or nakedness or danger or sword? 36 As it is written: “For your sake we face death all day long; we are considered as sheep to be slaughtered.” 37 No, in all these things we are more than conquerors through him who loved us. 38 For I am convinced that neither death nor life, neither angels nor demons, neither the present nor the future, nor any powers, 39 neither height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God that is in Christ Jesus our Lord. (Romans 8:31-39)
31 Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin? 32 Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? 33 Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? 34 Sino ang hahatol upang sila’y parusahan? Si Cristo Jesus ba na namatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, at ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin? 35 Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? 36 Ayon sa nasusulat, “Dahil sa inyo’y buong araw kaming pinapatay, turing nila sa amin ay mga tupang kakatayin lamang.” 37 Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo’y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. 38 Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, 39 ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. (Roma 8:31-39)
Paliwanag
Ang relasyon natin sa Diyos ay sigurado dahil kay Cristo. Hindi tayo dapat mangamba dahil sa anumang bagay. Kumikilos ang Panginoon sa buhay natin at walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
[bctt tweet=”Ang relasyon natin sa Diyos ay sigurado dahil kay Cristo.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 8:31-39).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit nawawalan ng pag-asa minsan ang mga tao?
2. Paano tayo magkakaroon ng pag-asa sa mundong ito?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay ngayon?
Main Idea
“Ang relasyon natin sa Diyos ay sigurado dahil kay Cristo.” (“Our relationship with God is secure because of Christ.”)
[bctt tweet=”Our relationship with God is secure because of Christ.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.