Coming Together as a Church
DAILY DEVOTIONAL (7-7-2021)
17 Tungkol sa mga babanggitin ko ngayon, hindi ko kayo maaaring purihin dahil ang inyong pagtitipon ay hindi nakakabuti, subalit nakakasama. 18 Una sa lahat, nabalitaan ko na kayo’y nagpapangkat-pangkat sa inyong pagtitipon, at ako’y naniniwalang may katotohanan iyan. 19 Talaga namang magkakaroon ng pagkakabaha-bahagi sa inyo upang makilala kung sino sa inyo ang mga tapat. 20 Kaya’t sa inyong pagtitipon, hindi Banal na Hapunan ng Panginoon ang kinakain ninyo. 21 Sapagkat ang bawat isa sa inyo’y nagmamadali sa pagkain ng kanyang sariling pagkain, kaya’t nagugutom ang iba at ang iba nama’y nalalasing. 22 Wala ba kayong sariling bahay upang doon kumain at uminom? Hindi ba ninyo pinapahalagahan ang iglesya ng Diyos at hinihiya ninyo ang mahihirap? Ano ang gagawin ko ngayon? Pupurihin ko ba kayo dahil sa bagay na iyon? Hinding-hindi ko gagawin iyon! (1 Corinto 11:17-22)
Paliwanag
Ang pagtitipon ng mga mananampalataya ay napakahalaga sa ating buhay esprituwal. Hindi natin dapat ito kaligtaan o pabayaan bilang mahalagang aspekto ng ating pananampalataya. Ngunit higit sa lahat, ang pagtitipon natin ay dapat bilang bayan ng Diyos, hindi yung kanya-kanya tayo. Kahit saan man tayo magtipon at kahit anong oras, ang mahalaga ay sama-sama tayo bilang nagkakaisa sa Panginoon.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (1 Corinto 11:17-22).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang kahulugan ng tunay na pagsamba?
2. Bakit mahalaga na malaman natin ang kahulugan ng tunay na pagsamba?
3. Paano natin mapapatupad ang katotohanan na ito sa ating karanasan ngayon?
Main Idea: “Dapat sumamba tayo bilang isang bayan ng Diyos at hindi bilang taganood lamang.” (“We must worship together as God’s people, not as spectators.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.