Choosing Your Response
DAILY DEVOTIONAL (8-26-2022)
4 While a large crowd was gathering and people were coming to Jesus from town after town, he told this parable: 5 “A farmer went out to sow his seed. As he was scattering the seed, some fell along the path; it was trampled on, and the birds ate it up. 6 Some fell on rocky ground, and when it came up, the plants withered because they had no moisture. 7 Other seed fell among thorns, which grew up with it and choked the plants. 8 Still other seed fell on good soil. It came up and yielded a crop, a hundred times more than was sown.” When he said this, he called out, “Whoever has ears to hear, let them hear.” 9 His disciples asked him what this parable meant. 10 He said, “The knowledge of the secrets of the kingdom of God has been given to you, but to others I speak in parables, so that, “‘though seeing, they may not see; though hearing, they may not understand.’ 11 “This is the meaning of the parable: The seed is the word of God. 12 Those along the path are the ones who hear, and then the devil comes and takes away the word from their hearts, so that they may not believe and be saved. 13 Those on the rocky ground are the ones who receive the word with joy when they hear it, but they have no root. They believe for a while, but in the time of testing they fall away. 14 The seed that fell among thorns stands for those who hear, but as they go on their way they are choked by life’s worries, riches and pleasures, and they do not mature. 15 But the seed on good soil stands for those with a noble and good heart, who hear the word, retain it, and by persevering produce a crop. (Luke 8:4-15)
4 Nagdatingan ang mga tao mula sa iba’t ibang bayan at sila’y lumapit kay Jesus. Isinalaysay ni Jesus ang talinghagang ito: 5 “Isang magsasaka ang pumunta sa bukid upang maghasik. Sa kanyang paghahasik, may binhing nalaglag sa daan, natapakan ng mga tao at tinuka ng mga ibon. 6 May binhi namang nalaglag sa batuhan at tumubo, ngunit agad na natuyo dahil sa kakulangan sa tubig. 7 May nalaglag naman sa may damuhang matinik, at nang lumago ang mga damo, sinakal nito ang mga binhing tumubo roon. 8 Mayroon namang binhing nalaglag sa matabang lupa. Ito’y sumibol, lumago at namunga ng tig-iisandaan.” At pagkatapos ay sinabi niya nang malakas, “Makinig ang may pandinig!” 9 Itinanong ng mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinghagang ito. 10 Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob sa inyo na maunawaan ang mga hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba’y sa pamamagitan ng talinghaga. Nang sa gayon, ‘Tumingin man sila’y hindi sila makakakita; at makinig man sila’y hindi sila makakaunawa.’” 11 “Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang Salita ng Diyos. 12 Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga taong nakikinig. Dumating ang diyablo at inalis nito ang Salita mula sa puso ng mga nakikinig upang hindi sila manalig at maligtas. 13 Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga nakarinig ng Salita at tumanggap nito nang may kagalakan, ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang puso. Sandali lamang silang naniwala, kaya’t pagdating ng pagsubok, sila’y tumitiwalag. 14 Ang mga nahasik naman sa may matitinik na damuhan ay ang mga nakinig sa salita ng Diyos, ngunit nang tumagal, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan. Dahil dito, hindi nahihinog ang kanilang mga bunga. 15 Ang mga nahasik naman sa matabang lupa ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at nag-iingat nito sa kanilang pusong tapat at malinis, at sila’y namumunga dahil sa pagtitiyaga.” (Lucas 8:4-15)
Paliwanag
Ang pagtugon natin sa salita ng Diyos ay may epekto sa ating kaligtasan. Huwag natin baliwalain ang salita ng Diyos sa ating buhay. Pansinin natin kung paano tayo tumutugon dito.
[bctt tweet=”Ang pagtugon natin sa salita ng Diyos ay may epekto sa ating kaligtasan.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 8:4-15).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang madalas na pagtugon ng mga tao sa salita ng Diyos?
2. Ano ang tamang pagtugon natin sa salita ng Diyos?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang pagtugon natin sa salita ng Diyos ay may epekto sa ating kaligtasan.” (“Our response to God’s word affects our salvation.”)
[bctt tweet=”Our response to God’s word affects our salvation.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.