Changing Hearts To Change The World
DAILY DEVOTIONAL (8-23-2021)
16 Then the eleven disciples went to Galilee, to the mountain where Jesus had told them to go. 17 When they saw him, they worshiped him; but some doubted. 18 Then Jesus came to them and said, “All authority in heaven and on earth has been given to me. 19 Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, 20 and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age.” (Matthew 28:16-20)
16 Pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus. 17 Nang makita nila si Jesus, siya’y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan. 18 Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 Kaya’t humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” (Mateo 28:16-20)
Paliwanag
Madali para sa atin ang madismaya sa mga nangyayari sa ating kapaligiran at lipunan. Gusto natin magkaroon ng pagbabago. Ngunit hindi natin makikita ang pagbabago kung hindi natin tutulungan ang mga tao na magkaroon ng pagbabago sa kanilang puso. Ito lamang ang tanging paraan upang magkaroon ng tunay na pagbabago.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 28:16-20).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano-ano ang mga nakikita natin sa ating kapaligiran o lipunan na gusto natin magbago? Bakit?
2. Ano ang tanging paraan para magkaroon ng tunay na pagbabago?
3. Paano makikiisa ang ating samahan para sa pagpapatupad ng dakilang tagubilin ng Panginoong Jesus sa Mateo 28:16-20?
Main Idea: “Hindi natin mababago ang mundo kung hindi natin tutulungan ang mga tao na magkaroon ng pagbabago sa kanilang puso.” (“We cannot change our world apart from reaching everyone and changing hearts.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.