God’s Kingdom at Work

DAILY DEVOTIONAL (9-22-2022)

14 Jesus was driving out a demon that was mute. When the demon left, the man who had been mute spoke, and the crowd was amazed. 15 But some of them said, “By Beelzebul, the prince of demons, he is driving out demons.” 16 Others tested him by asking for a sign from heaven. 17 Jesus knew their thoughts and said to them: “Any kingdom divided against itself will be ruined, and a house divided against itself will fall. 18 If Satan is divided against himself, how can his kingdom stand? I say this because you claim that I drive out demons by Beelzebul. 19 Now if I drive out demons by Beelzebul, by whom do your followers drive them out? So then, they will be your judges. 20 But if I drive out demons by the finger of God, then the kingdom of God has come upon you. 21 “When a strong man, fully armed, guards his own house, his possessions are safe. 22 But when someone stronger attacks and overpowers him, he takes away the armor in which the man trusted and divides up his plunder. 23 “Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters. 24 “When an impure spirit comes out of a person, it goes through arid places seeking rest and does not find it. Then it says, ‘I will return to the house I left.’ 25 When it arrives, it finds the house swept clean and put in order. 26 Then it goes and takes seven other spirits more wicked than itself, and they go in and live there. And the final condition of that person is worse than the first.” 27 As Jesus was saying these things, a woman in the crowd called out, “Blessed is the mother who gave you birth and nursed you.” 28 He replied, “Blessed rather are those who hear the word of God and obey it.” (Luke 11:14-28)

14 Minsan, pinalayas ni Jesus ang isang demonyo mula sa isang lalaking pipi. Nang nakapagsalita ito, ang mga tao ay humanga kay Jesus. 15 Subalit sinabi naman ng ilan sa mga naroon, “Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebul, ang pinuno ng mga demonyo.” 16 May mga nagnanais na siya’y subukin kaya’t patuloy na humihiling na magpakita siya ng isang himala mula sa langit. 17 Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya’t sinabi niya, “Ang bawat kahariang naglalaban-laban ang mga mamamayan ay babagsak, at alinmang sambahayang sila-sila ang naglalaban ay mawawasak. 18 Kung kinakalaban ni Satanas ang kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul. 19 Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul, sa kaninong kapangyarihan naman nagpapalayas ng demonyo ang inyong mga tagasunod? Sila na rin ang magpapatunay na mali kayo. 20 Nagpapalayas ako ng mga demonyo sa kapangyarihan ng Diyos, at ito’y nangangahulugang dumating na sa inyo ang kaharian ng Diyos. 21 “Kapag ang isang taong malakas ay nagbabantay sa kanyang bahay na dala ang kanyang mga sandata, ligtas ang kanyang mga ari-arian. 22 Ngunit kung salakayin siya ng isang taong higit na malakas kaysa kanya, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi nito ang mga inagaw na ari-arian. 23 “Ang hindi ko kakampi ay kalaban ko, at ang hindi ko kasamang nag-iipon ay nagkakalat.” 24 “Kapag lumabas sa tao ang isang masamang espiritu, nagpapagala-gala ito sa mga tigang na lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan. Kapag wala siyang makita, sasabihin niya sa sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ 25 Sa pagbabalik niya ay madadatnan niyang malinis at maayos ang bahay. 26 Kaya’t lalabas siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung mas masasama kaysa kanya. Papasok sila at maninirahan doon, kaya’t mas masama pa kaysa dati ang kalagayan ng taong iyon.” 27 Habang nagsasalita si Jesus, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan, “Pinagpala ang babaing nagbuntis at nag-alaga sa iyo.” 28 Ngunit sumagot siya, “Higit na pinagpala ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!” (Lucas 11:14-28)

Paliwanag

Ang dapat maging hangad natin ay makita ang kaharian ng Diyos na kumikilos sa buhay ng mga tao. Huwag tayo magtiwala sa sarili nating katalinuhan o kalakasan. Magtiwala tayo sa kapangyarihan ng Diyos.

[bctt tweet=”Ang dapat maging hangad natin ay makita ang kaharian ng Diyos na kumikilos sa buhay ng mga tao.” username=”rlccphil”]

Gabay para sa Small Group Discussion

Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 11:14-28).

Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.

Discussion Questions

1. Bakit mahalaga na magtiwala tayo sa kapangyarihan ng Diyos at hindi sa sarili nating katalinuhan o kalakasan?

2. Ano ang ebidensiya na ito ang ating ginagawa?

3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?

Main Idea

“Ang dapat maging hangad natin ay makita ang kaharian ng Diyos na kumikilos sa buhay ng mga tao.” (“Our desire should be to see the kingdom of God at work in people’s lives.”)

[bctt tweet=”Our desire should be to see the kingdom of God at work in people’s lives.” username=”rlccphil”]

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.

Next Lesson Click here