Called by God
DAILY DEVOTIONAL (4-20-2022)
1 Paul, a servant of Christ Jesus, called to be an apostle and set apart for the gospel of God— 2 the gospel he promised beforehand through his prophets in the Holy Scriptures 3 regarding his Son, who as to his earthly life was a descendant of David, 4 and who through the Spirit of holiness was appointed the Son of God in power by his resurrection from the dead: Jesus Christ our Lord. 5 Through him we received grace and apostleship to call all the Gentiles to the obedience that comes from faith for his name’s sake. 6 And you also are among those Gentiles who are called to belong to Jesus Christ. 7 To all in Rome who are loved by God and called to be his holy people: Grace and peace to you from God our Father and from the Lord Jesus Christ. Amen. (Romans 1:1-7)
1 Mula kay Pablo na isang lingkod ni Cristo Jesus, tinawag upang maging apostol at hinirang upang mangaral ng Magandang Balita ng Diyos. 2 Ang Magandang Balitang ito na ipinangako niya noong una pa man sa pamamagitan ng mga propeta, at sinasabi sa mga Banal na Kasulatan, 3-4 ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya’y ipinanganak mula sa lahi ni David; subalit tungkol sa kanyang pagka-Diyos, pinatunayan ng Banal na Espiritu na siya ay Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay. 5 Sa pamamagitan niya, tinanggap namin mula sa Diyos ang kaloob na maging apostol alang-alang kay Cristo, upang ang mga Hentil ay akayin sa pagsunod na naaayon sa pananampalataya. 6 Kayo’y kabilang sa mga tinawag na maging mga tagasunod ni Jesu-Cristo. 7 Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. (Romans 1:1-7)
Paliwanag
Tayong lahat ay tinatawag ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. May magandang layunin Siya para sa bawat isa sa atin. Hindi lahat ay tumutugon sa Kanyang tawag. Ngunit sa bawat nilalang na tumutugon, nararanasan nila ang pagpapala ng tawag ng Diyos para sa kanila.
[bctt tweet=”Tayong lahat ay tinatawag ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Romans 1:1-7).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit hindi lahat tumutugon sa tawag ng Diyos para sa kanila?
2. Ano-ano ang tawag ng Diyos para sa atin?
3. Paano ka tutugon sa tawag ng Diyos para sa iyo?
Main Idea
“Tayong lahat ay tinatawag ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.” (“We are all being called by God through Jesus Christ.”)
[bctt tweet=”We are all being called by God through Jesus Christ.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.