Building Each Other Up In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (8-12-2021)
26 What then shall we say, brothers and sisters? When you come together, each of you has a hymn, or a word of instruction, a revelation, a tongue or an interpretation. Everything must be done so that the church may be built up. 27 If anyone speaks in a tongue, two—or at the most three—should speak, one at a time, and someone must interpret. 28 If there is no interpreter, the speaker should keep quiet in the church and speak to himself and to God. (1 Corinthians 14;26-28)
26 Ganito ang ibig kong sabihin, mga kapatid. Kung sa inyong pagtitipon ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng Diyos, may nagsasalita sa iba’t ibang mga wika, at mayroon namang nagpapaliwanag noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya. 27 Kung may magsasalita sa iba’t ibang mga wika, sapat na ang dalawa o tatlo, salit-salitan sila, at kailangang may magpapaliwanag ng kanilang sinasabi. 28 Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang bawat isa at makipag-usap nang sarilinan sa Diyos. (1 Corinto 14:26-28)
Paliwanag
May tamang lugar para mag-bible study o mag-aral ng salita ng Diyos. Ngunit sa pagtitipon ng isang komunidad ng mga mananampalataya, ang dapat mangyari ay magpalakasan sa isa’t isa sa pamamagitan ng bawat isa. Ito ang lugar at pagkakataon kung saan nais natin makatulong sa isa’t isa ayon sa kaloob na ibinigay sa atin ng Diyos. Dapat sikapin natin na maging pagpapala tayo sa isa’t isa. Hind tayo dapat nagtitipon para lamang mag-aral ng Biblia. Nagtitipon tayo para palakasin ang isa’t isa sa pamamagitan ng bawat isa.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (1 Corinto 14:26-28).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit bihira mangyari sa mga pagtitipon ng mga mananampalataya ang magpalakasan sa isa’t isa sa pamamagitan ng bawat isa?
2. Ano ang dapat mangyari para ito ay matupad?
3. Ano ang dapat natin gawin sa ating grupo para matupad ito?
Main Idea: “Ang layunin natin sa ating pagtitipon ay palakasin ang bawat isa sa pamamagitan ng bawat isa.” (“Our goal when we meet up should be to build each other up.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.