Belonging to a True Community
DAILY DEVOTIONAL (7-5-2021)
42 Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin. 43 Dahil sa maraming himala at kababalaghang ginagawa sa pamamagitan ng mga apostol [sa Jerusalem],[d] naghari sa lahat ang takot. 44 Nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay itinuring na para sa lahat. 45 Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan. 46 Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban. 47 Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas. (Gawa 2:42-47)
Paliwanag
Mali ang akala ng ilan na maaari sila lumago sa kanilang pananampalataya nang nag-iisa lamang at hindi konektado sa isang tunay na komunidad. Lalago lamang tayo sa espirituwal na buhay sa pamamagitan ng isang tunay na komunidad ng mga mananampalataya. Kinakailangan na maging bahagi tayo at italaga ang ating sarili sa isang tunay na komunidad upang tayo ay lumago at tumibay sa ating pananalig at paglilingkod sa Diyos.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Gawa 2:42-47).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang ibig sabihin ng isang tunay na komunidad ng mga mananampalataya? Ano-ano ang mga katangian nito?
2. Bakit mahalaga na maging bahagi tayo ng isang tunay na komunidad ng mga mananampalataya?
3. Ano ang gagawin mo para maging bahagi ng isang tunay na komunidad maliban sa pagdalo?
Main Idea: “Lalago lamang tayo sa espirituwal na buhay sa pamamagitan ng isang tunay na komunidad.” (“We can only grow spiritually in a true community.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.