Being Effective in Sharing the Gospel
DAILY DEVOTIONAL (7-21-2021)
2 Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. 3 Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon. 4 Ipanalangin din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw, gaya ng nararapat. 5 Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. 6 Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao. (Colosas 4:2-6)
Paliwanag
Hindi tayo magtatagumpay sa pagbabahagi ng Mabuting Balita nang ayon lamang sa ating sariling karunungan o kalakasan. Matuto tayo na manalangin, magsalita, at gumawa nang ayon sa kapangyarihan ng Panginoon. Ito ang susi para tayo ay maging epektibo sa ating pagbabahagi ng Mabuting Balita.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Colosas 4:2-6).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit nabibigo ang karamihan sa kanilang pagbabahagi ng Mabuting Balita?
2. Ano ang susi para tayo ay maging epektibo sa pagbabahagi ng Mabuting Balita?
3. Paano natin maisasagawa ito simula ngayon?
Main Idea: “Sa pamamagitan lamang ng panalangin, pagsasalita, at pagsasagawa nang ayon sa kapangyarihan ng Panginoon maaari tayong magtagumpay sa pagbabahagi ng Mabuting Balita.” (“Only by praying, speaking, and acting in God’s power can we succeed in sharing the Gospel.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.