Being Conscious of Our Conscience
DAILY DEVOTIONAL (6-28-2021)
19 Ang hangad ko, aking Diyos, patayin mo ang masama, at ang mga mararahas ay iwanan akong kusa. 20 Mayroon silang sinasabing masasama laban sa iyo, at kanilang dinudusta, pati na ang pangalan mo. 21 Lubos akong nasusuklam sa sinumang muhi sa iyo, ang lahat ng nag-aalsa laban sa iyo’y di ko gusto. 22 Lubos akong nagagalit, lubos din ang pagkasuklam, sa ganoong mga tao ang turing ko ay kaaway. 23 O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; 24 kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid. (Awit 139:19-24)
Paliwanag
Kalooban ng Diyos ang pagbabago ng ating pagkatao at pag-uugali habang nabubuhay pa tayo sa mundong ito. Kasama ito sa pagliligtas ng ating kaluluwa ayon sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos. Ngunit marami ang hindi nakakaranas ng ganitong pagbabago dahil hindi nila nauunawaan ang tamang paraan. Tanging sa pamamagitan lamang ng pabibigay-liwanag ng Diyos at ang ating taus-pusong pagsusuri sa ating sarili ang maaari magdulot ng totoong pagbabago sa ating pagkatao at pag-uugali.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 139:19-24).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit marami ang hindi nakakaranas ng tunay na pagbabago sa kanilang pagkatao at pag-uugali?
2. Ano ang susi para maranasan natin ang tunay pagbabago?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay simula ngayon?
Main Idea: “Tanging ang pagbibigay-liwanag lamang ng Panginoon at ang pagsusuri sa ating sarili ang maaari magdulot ng pagbabago.” (“Only God’s illumination and our self-examination can bring about our transformation.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.