Being Conscious Of God’s Activity
DAILY DEVOTIONAL (6-23-2021)
1 Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman. 2 Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip. 3 Ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman. 4 Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi’y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim. 5 Ika’y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, ang likas mong kalakasan ang sa aki’y nag-iingat. 6 Nagtataka ang sarili’t alam mo ang aking buhay, di ko kayang unawain iyang iyong karunungan. (Awit 139:1-6)
Paliwanag
Madalas hindi natin namamalayan ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay. Lumilipas ang panahon na abala tayo sa maraming bagay. Kailan natin mapapansin ang pagkilos ng Diyos? Kapag tayo ay pumupunta sa isang lugar na tahimik kung saan tayo ay nag-iisa lamang (silence and solitude). Dito tayo maaari makapagmuni-muni sa mga gawain ng Diyos sa ating buhay.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 139:1-6).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit madalas hindi natin namamalayan ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay?
2. Paano natin mapapansin ang madalas na pagkilos ng Diyos sa ating buhay?
3. Paano mo ito ipatutupad?
Main Idea: “Ang magkaroon ng kamalayan sa pagkilos ng Diyos sa ating buhay ay napakahalaga sa ating espirituwal na paglago.” (“Being conscious of God’s activity in our lives is essential to growing spiritually.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.