Becoming A Spiritual Companion In The Journey Of Faith
DAILY DEVOTIONAL (9-28-2021)
10 You, however, know all about my teaching, my way of life, my purpose, faith, patience, love, endurance, 11 persecutions, sufferings —- what kinds of things happened to me in Antioch, Iconium and Lystra, the persecutions I endured. Yet the Lord rescued me from all of them. 12 In fact, everyone who wants to live a godly life in Christ Jesus will be persecuted, 13 while evildoers and impostors will go from bad to worse, deceiving and being deceived. (2 Timothy 3:10-13)
10 Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan. 11 Nasaksihan mo ang mga pag-uusig at paghihirap na dinanas ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napagtiisan ko ang mga ito! At sa lahat ng ito ay iniligtas ako ng Panginoon. 12 Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig, 13 samantalang ang masasama ay lalo namang magpapakasama, at ang manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang din. (2 Timoteo 3:10-13)
Paliwanag
Minsan iniisip ng mga tao na ang kailangan natin ay ang pisikal na pagtitipon. Ang iba naman ay nagsasabi na kailangan natin ay pagtitipon gamit ang digital o Internet. Ngunit hindi talaga ito ang kailangan natin, maging pisikal man na pagtitipon o digital. Ang kailangan natin ay mga espirituwal na kaibigan na tutulong sa atin harapin ang mga hamon ng pananampalataya. Kapag wala ang mga taong ganito, hindi tayo lalago at magtatagumpay sa ating pananampalataya.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (2 Timoteo 3:10-13).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit higit na kailangan natin ang mga espirituwal na kaibigan sa ating paglalakbay bilang mga mananampalataya?
2. Bakit hindi sapat ang mga pagtitipon lamang, maging pisikal man o sa pamamagitan ng Internet?
3. Kumusta ang ating pagpapatupad nito? Nagkakaroon ba tayo ng tunay na “spiritual companionship” sa ating grupo?
Main Idea: “Kailangan natin ng mga espirituwal na kaibigan na tutulong sa atin harapin ang mga hamon ng pananampalataya.” (“We need spiritual companions to help us face faith challenges.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. 😄