Available to the Master
DAILY DEVOTIONAL (7-29-2022)
1 One day as Jesus was standing by the Lake of Gennesaret, the people were crowding around him and listening to the word of God. 2 He saw at the water’s edge two boats, left there by the fishermen, who were washing their nets. 3 He got into one of the boats, the one belonging to Simon, and asked him to put out a little from shore. Then he sat down and taught the people from the boat. 4 When he had finished speaking, he said to Simon, “Put out into deep water, and let down the nets for a catch.” 5 Simon answered, “Master, we’ve worked hard all night and haven’t caught anything. But because you say so, I will let down the nets.” 6 When they had done so, they caught such a large number of fish that their nets began to break. 7 So they signaled their partners in the other boat to come and help them, and they came and filled both boats so full that they began to sink. 8 When Simon Peter saw this, he fell at Jesus’ knees and said, “Go away from me, Lord; I am a sinful man!” 9 For he and all his companions were astonished at the catch of fish they had taken, 10 and so were James and John, the sons of Zebedee, Simon’s partners. Then Jesus said to Simon, “Don’t be afraid; from now on you will fish for people.” 11 So they pulled their boats up on shore, left everything and followed him. (Luke 5:1-11)
1 Minsan, habang nakatayo si Jesus sa tabi ng Lawa ng Genesaret, nagsiksikan ang napakaraming tao sa paglapit sa kanya upang makinig ng salita ng Diyos. 2 May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nililinisan ng mga mangingisda ang kanilang mga lambat at wala sila sa kanilang mga bangka. 3 Sumakay siya sa isa sa mga ito na pag-aari ni Simon. Hiniling niya rito na ilayo nang kaunti ang bangka mula sa baybayin. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao. 4 Pagkatapos niyang mangaral, sinabi niya kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” 5 Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod ngunit wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.” 6 Ganoon nga ang ginawa nila, at nakahuli sila ng maraming isda, kaya’t halos mapunit ang kanilang mga lambat. 7 Kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa kabilang bangka upang magpatulong. Lumapit naman ang mga ito at napuno nila ang dalawang bangka, anupa’t halos lumubog ang mga ito. 8 Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya’y lumuhod sa harap ni Jesus at sinabi, “Lumayo kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako’y isang makasalanan.” 9 Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli, 10 gayundin sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo at mga kasosyo ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayo’y mga tao na, sa halip na mga isda, ang iyong huhulihin.” 11 Nang maitabi na nila ang mga bangka sa pampang, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus. (Lucas 5:1-11)
Paliwanag
Hindi hinahanap ng Diyos ang ating kakayahan kundi ang ating kahandaan. Ialay natin ang ating buong pagkatao sa Panginoon para gamitin Niya tayo sa Kanyang ubasan. Huwag tayo mag-alala kung tayo ba ay mahusay o magaling sa kahit anong bagay. Ang mahalaga ay handa tayo sa paglilingkod.
[bctt tweet=”Hindi hinahanap ng Diyos ang ating kakayahan kundi ang ating kahandaan.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 5:1-11).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit marami sa mga mananampalataya ang hindi naglilingkod sa Panginoon?
2. Ano ang dapat tatandaan natin para maging laging handa sa Panginoon?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Hindi hinahanap ng Diyos ang ating kakayahan kundi ang ating kahandaan.” (“God is not looking for our ability but for our availability.”)
[bctt tweet=”God is not looking for our ability but for our availability.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.