Aligning Our Lifestyle
DAILY DEVOTIONAL (6-9-2021)
17 Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong mamuhay tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. 19 Sila’y naging alipin ng kahalayan at wala na silang kahihiyan. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan. (Efeso 4:17-19)
Paliwanag
Kung nauunawaan natin ang katotohanan mula sa Diyos, dapat makita ito sa ating pamumuhay. Totoo na meron pa rin tayong mga pagkukulang at pagkakamali. Ngunit makikita ng lahat na iba na ang direksyon ng ating buhay. Iba na ang prioridad natin. Iba na ang paggamit natin ng ating oras at lakas at kayamanan. Hindi na dapat tulad ng dati nuong hindi pa natin nakikilala ang Panginoon.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Efeso 4:17-19).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit mahalaga na makita sa ating pamumuhay ang katotohanan na ating pinananampalatayaan?
2. Paano ito makikita sa ating pamumuhay o lifestyle?
3. Paano mo ito ipapatupad sa iyong buhay ngayon?
Main Idea: “Ang paghahanay natin sa katotohanan ng Diyos ay dapat makita sa ating pamumuhay.” (“Our alignment with God’s truth should be manifested in the way we live.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.
Text content