Agreeing To Pursue Real Life Together In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (8-11-2021)
1 Therefore, my brothers and sisters, you whom I love and long for, my joy and crown, stand firm in the Lord in this way, dear friends! 2 I plead with Euodia and I plead with Syntyche to be of the same mind in the Lord. 3 Yes, and I ask you, my true companion, help these women since they have contended at my side in the cause of the gospel, along with Clement and the rest of my co-workers, whose names are in the book of life. (Philippians 4:1-3)
1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. 2 Nakikiusap ako kina Euodia at Sintique na sila’y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3 Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa ko. Ang mga pangalan nila’y nakasulat sa aklat ng buhay. (Filipos 4:1-3)
Paliwanag
Madaling mangarap na sana maging matagumpay ang ating samahan. Ngunit kung wala tayong pagkakaisa, at kung hindi tayo magkakasundo sa iilang mga alituntunin o kasunduan, hindi tayo magtatagumpay. Hindi tatagal ang ating samahan at mahihirapan tayo na mamuhay nang ayon sa kalooban ng Panginoon. Matatalo tayo ng kaaway, kasalanan, at kamunduhan, at hindi magiging mabisa ang ating pagsasama-sama sa Panginoon.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Filipos 4:1-3).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng pangako sa isa’t isa sa ating samahan, lalo na sa umpisa pa lamang?
2. Ano ang kahulugan ng bawat letra sa acrostic na PROMISE?
3. Paano natin ito ipatutupad sa ating grupo?
Main Idea: “Maliban na magkasundo tayo, hindi tayo magtatagumpay.” (“Unless we agree with each other, we won’t succeed together.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.