Searching for Reliable People
DAILY DEVOTIONAL (9-13-2022)
57 As they were walking along the road, a man said to him, “I will follow you wherever you go.” 58 Jesus replied, “Foxes have dens and birds have nests, but the Son of Man has no place to lay his head.” 59 He said to another man, “Follow me.” But he replied, “Lord, first let me go and bury my father.” 60 Jesus said to him, “Let the dead bury their own dead, but you go and proclaim the kingdom of God.” 61 Still another said, “I will follow you, Lord; but first let me go back and say goodbye to my family.” 62 Jesus replied, “No one who puts a hand to the plow and looks back is fit for service in the kingdom of God.” (Luke 9:57-62)
57 Samantalang sila’y naglalakad, may isang lalaking lumapit at nagsabi kay Jesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan kayo pumunta.” 58 Sumagot si Jesus, “May lungga ang asong-gubat, at may pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao ay wala man lamang mapagpahingahan.” 59 At sinabi naman niya sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot ito, “Panginoon, hayaan lang po muna ninyong maipalibing ko ang aking ama.” 60 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Hayaan mo na ang mga patay ang maglibing sa kanilang mga patay. Ngunit humayo ka at ipahayag mo ang kaharian ng Diyos.” 61 May isa namang nagsabi sa kanya, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit hayaan ninyong magpaalam muna ako sa aking pamilya.” 62 At ganito naman ang tugon ni Jesus, “Sinumang nagsimulang mag-araro ngunit panay ang lingon ay hindi karapat-dapat sa kaharian ng Diyos.” (Lucas 9:57-62)
Paliwanag
Ang Ebanghelyo ay maaari lamang ipagkatiwala sa mga taong maaasahan. Kailangan hanapin natin ang mga ito at bigyan ng sapat na atensiyon upang sila ay makatugon sa tawag ni Cristo sa kanilang buhay. Kapag hindi natin nagawa ito, hindi magpapatuloy ang gawain ng Diyos.
[bctt tweet=”Ang Ebanghelyo ay maaari lamang ipagkatiwala sa mga taong maaasahan.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 9:57-62).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit kailan ang mga taong maaasahan para sa gawain ng Panginoon?
2. Ano-ano ang mga katangian ng mga taong ganito?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang Ebanghelyo ay maaari lamang ipagkatiwala sa mga taong maaasahan.” (“The Gospel can only be entrusted to reliable people.”)
[bctt tweet=”The Gospel can only be entrusted to reliable people.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.