Belonging to the Family of Jesus
DAILY DEVOTIONAL (8-25-2022)
After this, Jesus traveled about from one town and village to another, proclaiming the good news of the kingdom of God. The Twelve were with him, 2 and also some women who had been cured of evil spirits and diseases: Mary (called Magdalene) from whom seven demons had come out; 3 Joanna the wife of Chuza, the manager of Herod’s household; Susanna; and many others. These women were helping to support them out of their own means… 19 Now Jesus’ mother and brothers came to see him, but they were not able to get near him because of the crowd. 20 Someone told him, “Your mother and brothers are standing outside, wanting to see you.” 21 He replied, “My mother and brothers are those who hear God’s word and put it into practice.” (Luke 8:1-3,19-21)
Pagkatapos nito, nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon sa paligid. Nangangaral siya at nagtuturo ng Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa 2 at ilang babaing pinagaling niya sa masasamang espiritu at sa kanilang mga karamdaman: si Maria na tinatawag na Magdalena (mula sa kanya’y pitong demonyo ang pinalayas), 3 si Juana na asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Tinustusan ng mga ito mula sa sarili nilang ari-arian ang mga pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad… 19 Dumating ang ina at mga kapatid ni Jesus, ngunit hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. 20 Kaya’t may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; nais nilang makita kayo.” 21 Ngunit sinabi ni Jesus, “Ang mga nakikinig at tumutupad ng salita ng Diyos ang aking ina at mga kapatid.” (Lucas 8:1-3,19-21)
Paliwanag
Sama-sama tayong tinawag para mapabilang sa pamilya ni Jesus. Hindi tayo tinawag para mamuhay nang mag-isa bilang isang mananampalataya. Kailangan isapuso natin ang katotohanan na ito. Tayo ay pamilya ni Jesus.
[bctt tweet=”Sama-sama tayong tinawag para mapabilang sa pamilya ni Jesus.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 8:1-3,19-21).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit hindi tinuturing ng iba na ang iglesya ay kanilang pamilya?
2. Ano ang ibig sabihin na ang isang iglesya ay isa rin pamilya?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Sama-sama tayong tinawag para mapabilang sa pamilya ni Jesus.” (“Together we are called to belong to the family of Jesus.”)
[bctt tweet=”Together we are called to belong to the family of Jesus.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.