The Impact of the Gospel
DAILY DEVOTIONAL (7-13-2022)
8 And there were shepherds living out in the fields nearby, keeping watch over their flocks at night. 9 An angel of the Lord appeared to them, and the glory of the Lord shone around them, and they were terrified. 10 But the angel said to them, “Do not be afraid. I bring you good news that will cause great joy for all the people. 11 Today in the town of David a Savior has been born to you; he is the Messiah, the Lord. 12 This will be a sign to you: You will find a baby wrapped in cloths and lying in a manger.” 13 Suddenly a great company of the heavenly host appeared with the angel, praising God and saying, 14 “Glory to God in the highest heaven, and on earth peace to those on whom his favor rests.” 15 When the angels had left them and gone into heaven, the shepherds said to one another, “Let’s go to Bethlehem and see this thing that has happened, which the Lord has told us about.” 16 So they hurried off and found Mary and Joseph, and the baby, who was lying in the manger. 17 When they had seen him, they spread the word concerning what had been told them about this child, 18 and all who heard it were amazed at what the shepherds said to them. 19 But Mary treasured up all these things and pondered them in her heart. 20 The shepherds returned, glorifying and praising God for all the things they had heard and seen, which were just as they had been told. (Luke 2:8-20)
8 Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa nang gabing iyon. 9 At tumayo sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa kapaligiran nila ang kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon na lamang ang kanilang pagkatakot. 10 Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako’y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. 11 Isinilang sa inyo ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. 12 Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.” 13 Biglang lumitaw kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila’y nagpupuri sa Diyos at umaawit, 14 “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!” 15 Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, “Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng Panginoon.” 16 Nagmamadali silang pumunta roon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at naroon ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 17 Nang makita ng mga pastol ang sanggol, isinalaysay nila ang sinabi ng anghel tungkol dito. 18 Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. 19 Tinandaan ni Maria ang mga bagay na ito, at ito’y kanyang pinagbulay-bulayan. 20 Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel. (Lucas 2:8-20)
Paliwanag
Kapag naapektuhan ka ng Ebanghelyo, binabago ka nito. Hindi mahalaga kung ano ang tawag sa iyo. Ang mahalaga ay kung ano ang nangyari sa puso mo. May nagbago ba? Kailangan siyasatin natin ang ating sarili at maging totoo tayo. Ang nais ng Panginoon ay baguhin tayo. Ito ba ang nangyari at nangyayari sa buhay mo ngayon?
[bctt tweet=”Kapag naapektuhan ka ng Ebanghelyo, binabago ka nito.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 2:8-20).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang madalas na pagkaunawa ng mga tao sa salitang “Christian”?
2. Ano ang palatandaan na nagkaroon ng epekto sa iyo ang Ebanghelyo?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Kapag naapektuhan ka ng Ebanghelyo, binabago ka nito.” (“When the Gospel impacts you, it changes you.”)
[bctt tweet=”When the Gospel impacts you, it changes you.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.