Grace and Humility
DAILY DEVOTIONAL (7-5-2022)
26 In the sixth month of Elizabeth’s pregnancy, God sent the angel Gabriel to Nazareth, a town in Galilee, 27 to a virgin pledged to be married to a man named Joseph, a descendant of David. The virgin’s name was Mary. 28 The angel went to her and said, “Greetings, you who are highly favored! The Lord is with you.” 29 Mary was greatly troubled at his words and wondered what kind of greeting this might be. 30 But the angel said to her, “Do not be afraid, Mary; you have found favor with God. 31 You will conceive and give birth to a son, and you are to call him Jesus. 32 He will be great and will be called the Son of the Most High. The Lord God will give him the throne of his father David, 33 and he will reign over Jacob’s descendants forever; his kingdom will never end.” 34 “How will this be,” Mary asked the angel, “since I am a virgin?” 35 The angel answered, “The Holy Spirit will come on you, and the power of the Most High will overshadow you. So the holy one to be born will be called[a] the Son of God. 36 Even Elizabeth your relative is going to have a child in her old age, and she who was said to be unable to conceive is in her sixth month. 37 For no word from God will ever fail.” 38 “I am the Lord’s servant,” Mary answered. “May your word to me be fulfilled.” Then the angel left her. (Luke 1:26-38)
26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea, upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David. 28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” 29 Naguluhan si Maria sa sinabi ng anghel at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya’y papangalanan mong Jesus. 32 Siya’y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.” 34 “Paano pong mangyayari ito gayong ako’y isang birhen?” tanong ni Maria. 35 Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo’y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36 Hindi ba’t ang kamag-anak mong si Elizabeth ay baog? Gayunma’y naglihi siya at ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya’y matanda na, 37 sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 38 Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel. (Lucas 1:26-38)
Paliwanag
Ang tamang pagtugon sa biyaya ng Diyos ay kababaan ng loob. Lalo na kapag tayo ay pinagkakalooban Niya ng pagkakataon na maglingkod sa Kanya. Alam natin na tayo ay hindi karapat-dapat ngunit sa biyaya ng Diyos tinatawag Niya para gumanap ng tungkulin para sa Kanyang kaluwalhatian. Dapat tanggapin natin ito nang may kababaan ng loob.
[bctt tweet=”Ang tamang pagtugon sa biyaya ng Diyos ay kababaan ng loob.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 1:26-38).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Sa paanong paraan hindi natin nakikita o nakikilala ang biyaya ng Diyos sa buhay natin?
2. Paano tayo dapat tumugon sa biyaya ng Diyos?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang tamang pagtugon sa biyaya ng Diyos ay kababaan ng loob.” (“The right response to grace is humility.”)
[bctt tweet=”The right response to grace is humility.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.