Deliverance from Sin
DAILY DEVOTIONAL (5-12-2022)
1 What shall we say, then? Shall we go on sinning so that grace may increase? 2 By no means! We are those who have died to sin; how can we live in it any longer? 3 Or don’t you know that all of us who were baptized into Christ Jesus were baptized into his death? 4 We were therefore buried with him through baptism into death in order that, just as Christ was raised from the dead through the glory of the Father, we too may live a new life. 5 For if we have been united with him in a death like his, we will certainly also be united with him in a resurrection like his. 6 For we know that our old self was crucified with him so that the body ruled by sin might be done away with, that we should no longer be slaves to sin— 7 because anyone who has died has been set free from sin. 8 Now if we died with Christ, we believe that we will also live with him. 9 For we know that since Christ was raised from the dead, he cannot die again; death no longer has mastery over him. 10 The death he died, he died to sin once for all; but the life he lives, he lives to God. 11 In the same way, count yourselves dead to sin but alive to God in Christ Jesus. 12 Therefore do not let sin reign in your mortal body so that you obey its evil desires. 13 Do not offer any part of yourself to sin as an instrument of wickedness, but rather offer yourselves to God as those who have been brought from death to life; and offer every part of yourself to him as an instrument of righteousness. 14 For sin shall no longer be your master, because you are not under the law, but under grace. (Romans 6:1-14)
1 Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? 2 Hinding-hindi! Tayo’y patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala? 3 Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan? 4 Samakatuwid, tayo’y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay. 5 Sapagkat kung nakasama tayo ni Cristo sa isang kamatayang katulad ng kanyang kamatayan, tiyak na tayo ay makakasama rin niya sa muling pagkabuhay na katulad ng kanyang muling pagkabuhay. 6 Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. 7 Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. 8 Kung tayo’y namatay nang kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay rin tayong kasama niya. 9 Alam nating si Cristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. 10 Nang siya’y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa lahat ng panahon dahil sa kasalanan; at ang buhay niya ngayon ay para sa Diyos. 11 Kaya dapat din ninyong ituring ang inyong sarili bilang patay na sa kasalanan ngunit buháy para sa Diyos, sapagkat kayo’y nakipag-isa na kay Cristo Jesus. 12 Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong mga katawang may kamatayan upang hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. 13 Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan. 14 Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, dahil kayo’y wala na sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos. (Romans 6:1-14)
Paliwanag
Pinalaya tayo ng Diyos mula sa kasalanan sa pamamagitan ng ating pakikiisa kay Cristo. Tayo ay namatay kasama ni Cristo at dahil dito malaya na tayo laban sa kapangyarihan ng kasalanan. Tayo rin ay nabuhay muli kasama ni Cristo at dahil dito maaari na tayo mabuhay para sa Panginoon.
[bctt tweet=”Pinalaya tayo ng Diyos mula sa kasalanan sa pamamagitan ng ating pagkikiisa kay Cristo.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 6:1-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang madalas na pagkaunawa ng mga tao patungkol sa bautismo sa tubig?
2. Ano ang tamang kahulugan ng bautismo sa tubig ayon kay Pablo?
3. Paano natin ito ipatutupad sa ating buhay?
Main Idea
“Pinalaya tayo ng Diyos mula sa kasalanan sa pamamagitan ng ating pakikiisa kay Cristo.” (“God delivers us from sin through our union with Christ.”)
[bctt tweet=”God delivers us from sin through our union with Christ.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.