The Implications of Our Justification
DAILY DEVOTIONAL (5-10-2022)
1 Therefore, since we have been justified through faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ, 2 through whom we have gained access by faith into this grace in which we now stand. And we boast in the hope of the glory of God. 3 Not only so, but we also glory in our sufferings, because we know that suffering produces perseverance; 4 perseverance, character; and character, hope. 5 And hope does not put us to shame, because God’s love has been poured out into our hearts through the Holy Spirit, who has been given to us. 6 You see, at just the right time, when we were still powerless, Christ died for the ungodly. 7 Very rarely will anyone die for a righteous person, though for a good person someone might possibly dare to die. 8 But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us. 9 Since we have now been justified by his blood, how much more shall we be saved from God’s wrath through him! 10 For if, while we were God’s enemies, we were reconciled to him through the death of his Son, how much more, having been reconciled, shall we be saved through his life! 11 Not only is this so, but we also boast in God through our Lord Jesus Christ, through whom we have now received reconciliation. (Romans 5:1-11)
1 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 2 Sa pamamagitan ng [pagsampalataya][a] kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo’y nagagalak dahil sa pag-asang tayo’y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian. 3 Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito’y nagbubunga ng pagtitiyaga. 4 At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, at ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa. 5 At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin. 6 Sapagkat noong tayo’y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan. 7 Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid, kahit na maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang taong mabuti. 8 Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa. 9 Yamang sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos. 10 Dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy. 11 At hindi lamang iyan! Tayo’y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos. (Romans 5:1-11)
Paliwanag
Ang pagwawalang-sala sa atin ay may personal at malalim na implikasyon sa ating buong buhay. Hindi lamang ito sa umpisa ng ating kaligtasan. Ito ay patuloy na meron implikasyon sa pang-araw-araw. Tayo ay meron pag-asa at kapayapaan sa gitna ng anumang pagsubok.
[bctt tweet=”Ang pagwawalang-sala sa atin ay may personal at malalim na implikasyon sa ating buong buhay.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 5:1-11).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit kailangan malaman natin na meron mas malalim at mas malawak na implikasyon ang pagwawalang-sala ng Diyos sa atin?
2. Ano pa ang dapat natin maunawaan patungkol dito?
3. Paano natin ito ipatutupad?
Main Idea
“Ang pagwawalang-sala sa atin ay may personal at malalim na implikasyon sa ating buong buhay.” (“Justification has profound personal implications throughout our lives.”)
[bctt tweet=”Justification has profound personal implications throughout our lives.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.