Practicing Genuine Faith
DAILY DEVOTIONAL (3-24-2022)
4 I always thank my God as I remember you in my prayers, 5 because I hear about your love for all his holy people and your faith in the Lord Jesus. 6 I pray that your partnership with us in the faith may be effective in deepening your understanding of every good thing we share for the sake of Christ. 7 Your love has given me great joy and encouragement, because you, brother, have refreshed the hearts of the Lord’s people. (Philemon 1:4-7)
4 Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos tuwing isinasama kita sa aking pananalangin 5 sapagkat nababalitaan ko ang pag-ibig na ipinapakita mo sa lahat ng hinirang ng Diyos, at gayundin ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus. 6 Idinadalangin kong ang pagkakabuklod natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng mas malalim na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo. 7 Kapatid, ang pagmamahal mo ay nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan sapagkat dahil sa iyo ay sumigla ang kalooban ng mga hinirang ng Diyos. (Filemon 1:4-7)
Paliwanag
Ang tunay na pananampalataya ay nakikita sa ating pakikipagkapwa. Hindi lang ito nakikita sa pamamagitan ng ating mga salita o sa mga relihiyosong kaugalin tulad ng pagdalo sa mga pagtitipon o Bible studies. Nawa makita ito sa pamamagitan ng tunay na pag-ibig na ating pinadadama sa ating kapwa.
[bctt tweet=”Ang tunay na pananampalataya ay nakikita sa ating pakikipagkapwa.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Filemon 1:4-7).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Paano nakikita ang pagtatangi natin sa isa’t isa lalo na sa loob ng iglesya?
2. Paano natin maipapakita ang tunay na pag-iibigan sa isa’t isa lalo na sa loob ng iglesya?
3. Paano natin ipatutupad ito?
Main Idea
“Ang tunay na pananampalataya ay nakikita sa ating pakikipagkapwa.” (“Genuine faith is seen in the way we relate with others.”)
[bctt tweet=”Genuine faith is seen in the way we relate with others.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.