Our Identity In Christ
DAILY DEVOTIONAL (3-10-2022)
1 Since, then, you have been raised with Christ, set your hearts on things above, where Christ is, seated at the right hand of God. 2 Set your minds on things above, not on earthly things. 3 For you died, and your life is now hidden with Christ in God. 4 When Christ, who is your life, appears, then you also will appear with him in glory. (Colossians 3:1-4)
1 Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, 3 sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo. 4 Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya’y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang kaluwalhatian. (Colosas 3:1-4)
Paliwanag
Ang ating espirituwal na buhay ay dapat magmula sa ating pagkakakilanlan kay Cristo. Ito ang matibay na batayan ng ating pagkatao. Sa pamamagitan ng tamang pagkakakilanlan natin kay Cristo, malalabanan natin ang mga kasinungalingan ng ating Kaaway.
[bctt tweet=”Ang ating espirituwal na buhay ay dapat magmula sa ating pagkakakilanlan kay Cristo.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Colosas 3:1-4).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng tamang pagkakakilanlan sa ating sarili?
2. Ano ang dapat natin maunawaan patungkol sa ating sarili ayon sa ginawa ng Diyos para sa atin?
3. Paano natin ito ipatutupad sa ating buhay?
Main Idea
“Ang ating espirituwal na buhay ay dapat magmula sa ating pagkakakilanlan kay Cristo.” (“Our spirituality must come from our identity in Christ.”)
[bctt tweet=”Our spirituality must come from our identity in Christ.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.