How To Stand Firm In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (2-14-2022)
17 Join together in following my example, brothers and sisters, and just as you have us as a model, keep your eyes on those who live as we do. 18 For, as I have often told you before and now tell you again even with tears, many live as enemies of the cross of Christ. 19 Their destiny is destruction, their god is their stomach, and their glory is in their shame. Their mind is set on earthly things. 20 But our citizenship is in heaven. And we eagerly await a Savior from there, the Lord Jesus Christ, 21 who, by the power that enables him to bring everything under his control, will transform our lowly bodies so that they will be like his glorious body. 4:1 Therefore, my brothers and sisters, you whom I love and long for, my joy and crown, stand firm in the Lord in this way, dear friends! (Philippians 3:17-4:1)
17 Mga kapatid, magkaisa kayong tumulad sa halimbawang ipinakita ko sa inyo. Pag-ukulan din ninyo ng pansin ang lahat ng sumusunod sa aming halimbawa. 18 Sapagkat tulad ng madalas kong sinasabi sa inyo noon at ngayo’y luhaang inuulit ko, marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo. 19 Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga bagay na may kinalaman sa mundong ito. 20 Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula roo’y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas. 21 Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang may kahinaan ay babaguhin niya upang maging katulad ng kanyang katawang maluwalhati. 4:1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. (Filipos 3:17-4:1)
Paliwanag
Maraming tao ang hindi nagpapatuloy sa Panginoon. Nag-umpisa sila na masigasig, ngunit sa paglipas ng panahon ay naligaw na sila ng landas. Naiba na ang kanilang prioridad. Ngunit sa pamamagitan ng pagkakaisa, maaari tayo maging matatag sa Panginoon.
[bctt tweet=”Sa pamamagitan ng pagkakaisa, maaari tayo maging matatag sa Panginoon.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Filipos 3:17-4:1).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit madaling manlamig ang ilang mga mananampalataya?
2. Paano natin mapapanatili ang katatagan natin sa Panginoon?
3. Ano ang praktikal na magagawa natin para mapatupad ito?
Main Idea
“Sa pamamagitan ng pagkakaisa, maaari tayo maging matatag sa Panginoon.” (“With one accord, we can stand firm in the Lord.”)
[bctt tweet=”With one accord, we can stand firm in the Lord.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.