Being Courageous
DAILY DEVOTIONAL (1-31-2022)
27 Whatever happens, conduct yourselves in a manner worthy of the gospel of Christ. Then, whether I come and see you or only hear about you in my absence, I will know that you stand firm in the one Spirit, striving together as one for the faith of the gospel 28 without being frightened in any way by those who oppose you. This is a sign to them that they will be destroyed, but that you will be saved—and that by God. 29 For it has been granted to you on behalf of Christ not only to believe in him, but also to suffer for him, 30 since you are going through the same struggle you saw I had, and now hear that I still have. (Philippians 1:27-30)
27 Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay nang nararapat ayon sa Magandang Balita ni Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong piling o hindi, makakatiyak pa rin akong kayo’y naninindigan sa iisang diwa at sama-samang ipinaglalaban ang pananampalataya sa Magandang Balita. 28 Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo’y ililigtas ng Diyos. 29 Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo. 30 Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon. (Filipos 1:27-30)
Paliwanag
Marami tayo pwede katakutan sa mundong ito. Ngunit hindi tayo kinakailangan na matakot. Maaari tayo maging matapant sa pamamagitan ni Cristo. Ang katapangan ay ang pagiging matatag kay Cristo anuman ang sitwasyon.
[bctt tweet=”Ang katapangan ay ang pagiging matatag kay Cristo anuman ang sitwasyon.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Filipos 1:27-30).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang kinakatakutan ng karamihan sa atin?
2. Paano tayo magiging matapang sa pamamagitan ni Cristo?
3. Paano mo ito ipatutupad?
Main Idea
“Ang katapangan ay ang pagiging matatag kay Cristo anuman ang sitwasyon.” (“Courage is being firm in Christ regardless of the situation.”)
[bctt tweet=”Courage is being firm in Christ regardless of the situation.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.