The Effect of God’s Salvation on All Our Relations
DAILY DEVOTIONAL (1-19-2022)
21 Tychicus, the dear brother and faithful servant in the Lord, will tell you everything, so that you also may know how I am and what I am doing. 22 I am sending him to you for this very purpose, that you may know how we are, and that he may encourage you. 23 Peace to the brothers and sisters, and love with faith from God the Father and the Lord Jesus Christ. 24 Grace to all who love our Lord Jesus Christ with an undying love. (Ephesians 6:21-24)
21 Si Tiquico, na mahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat ng bagay tungkol sa aking kalagayan at ginagawa. 22 Kaya’t isinusugo ko siya sa inyo upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang palakasin ang inyong loob. 23 Nawa’y ipagkaloob ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo sa lahat ng mga kapatid ang kapayapaan at ang pag-ibig na kalakip ng pananampalataya. 24 Ang kagandahang-loob ng Diyos ay sumainyong lahat na umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo. (Efeso 6:21-24)
Paliwanag
Binabago ng pagliligtas ng Diyos ang lahat ng ating mga relasyon. Ito ang nangyayari kapag totoong nanampalataya tayo sa Mabuting Balita. Ayon sa biyaya ng Diyos, natututo tayo kung paano mamuhay nang may pag-ibig sa kapwa.
[bctt tweet=”Binabago ng pagliligtas ng Diyos ang lahat ng ating mga relasyon.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 6:21-24).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit meron mga mananampalataya na hindi nagbabago ang pakikitungo sa kapwa?
2. Ano ang katibayan na totoong nanampalataya tayo sa Mabuting Balita, lalo na sa aspekto ng ating mga relasyon?
3. Paano natin ipatutupad ito?
Main Idea
“Binabago ng pagliligtas ng Diyos ang lahat ng ating mga relasyon.” (“God’s salvation transforms all our relationships.”)
[bctt tweet=”God’s salvation transforms all our relationships.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.