Teaching Leaders To Mobilize Small Group Members For Ministry
DAILY DEVOTIONAL (11-9-2021)
7 The end of all things is near. Therefore be alert and of sober mind so that you may pray. 8 Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins. 9 Offer hospitality to one another without grumbling. 10 Each of you should use whatever gift you have received to serve others, as faithful stewards of God’s grace in its various forms. 11 If anyone speaks, they should do so as one who speaks the very words of God. If anyone serves, they should do so with the strength God provides, so that in all things God may be praised through Jesus Christ. To him be the glory and the power for ever and ever. Amen. (1 Peter 4:7-11)
7 Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay, kaya’t maging mapagtimpi kayo at panatilihing malinaw ang inyong pag-iisip upang kayo’y makapanalangin. 8 Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan. 9 Buksan ninyo para sa isa’t isa ang inyong mga tahanan at gawin ninyo ito nang hindi mabigat sa loob. 10 Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang kakayahang tinanggap ng bawat isa sa inyo. 11 Ang nangangaral ay dapat salita ng Diyos ang ipangaral. Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya’y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen. (1 Pedro 4:7-11)
Paliwanag
Lahat ay tinawag na maglingkod sa kahit anong uri ng ministry. Hindi tayo tinawag ng Diyos para makinig lamang ng sermon o anumang pagtuturo habang buhay. Tayo ay tinawag Niya upang gamitin ang anumang kaloob o kakayanan na meron tayo mula sa Kanya para maglingkod sa kapwa.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (1 Pedro 4:7-11).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit kailangan maglingkod ang bawat isa sa anumang ministry?
2. Ano ang mangyayari kapag ginawa natin ito?
3. Paano natin ipatutupad ito sa ating grupo?
Main Idea
“Lahat ay tinawag na maglingkod sa kahit anong uri ng ministry.” (“Everybody is called to serve in some kind of ministry.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.