Teaching Leaders To Look For Open Hearts To Start A Small Group
DAILY DEVOTIONAL (11-4-2021)
13 On the Sabbath we went outside the city gate to the river, where we expected to find a place of prayer. We sat down and began to speak to the women who had gathered there. 14 One of those listening was a woman from the city of Thyatira named Lydia, a dealer in purple cloth. She was a worshiper of God. The Lord opened her heart to respond to Paul’s message. 15 When she and the members of her household were baptized, she invited us to her home. “If you consider me a believer in the Lord,” she said, “come and stay at my house.” And she persuaded us. (Acts 16:13-15)
13 At nang Araw ng Pamamahinga, lumabas kami ng lungsod at nagpunta sa tabing-ilog, sa pag-aakalang doon ay may pinagtitipunan ang mga Judio upang manalangin. Naupo kami at nakipag-usap sa mga babaing nagkakatipon doon. 14 Kabilang sa mga nakikinig ang isang sumasamba sa Diyos na nagngangalang Lydia na taga-Tiatira; siya’y isang negosyante na nagtitinda ng mamahaling telang kulay ube. Binuksan ng Panginoon ang kanyang isip upang kanyang pakinggan ang ipinapangaral ni Pablo. 15 Nagpabautismo siya at ang kanyang buong pamilya. Pagkatapos, sinabi niya, “Kung itinuturing po ninyo akong tunay na lingkod ng Panginoon, doon na kayo tumuloy sa amin.” Mahigpit ang kanyang anyaya kaya’t hindi namin napahindian. (Gawa 16:13-15)
Paliwanag
Hindi lahat ng tao ay pwede natin yayain sa isang maliit na grupo. Nag-uumpisa ang isang maliit na grupo kapag bukas ang puso ng isang tao sa Panginoon. Kaya, kinakailangan na patuloy lang tayo ng paghahasik ng salita ng Diyos hanggang matagpuan natin ang taong ito. Kapag natagpuan natin siya, yayain natin siya sa isang mas malalim na pag-aaral ng salita ng Diyos lalo na ng ebanghelyo.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Gawa 16:13-15).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Sino dapat ang inaanyayahan natin para dumalo sa isang bible study? Bakit?
2. Paano tayo makakahanap ng mga tao na bukas ang puso sa Panginoon?
3. Paano natin maipapatupad ito bilang isang maliit na grupo?
Main Idea
“Nag-uumpisa ang isang maliit na grupo kapag bukas ang puso ng isang tao sa Panginoon.” (“A small group begins when someone’s heart is open to the Lord.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.