Nurturing The Faith And Ministry Of Growing Leaders
DAILY DEVOTIONAL (11-2-2021)
10 My fellow prisoner Aristarchus sends you his greetings, as does Mark, the cousin of Barnabas. (You have received instructions about him; if he comes to you, welcome him.) 11 Jesus, who is called Justus, also sends greetings. These are the only Jews among my co-workers for the kingdom of God, and they have proved a comfort to me. 12 Epaphras, who is one of you and a servant of Christ Jesus, sends greetings. He is always wrestling in prayer for you, that you may stand firm in all the will of God, mature and fully assured. 13 I vouch for him that he is working hard for you and for those at Laodicea and Hierapolis. 14 Our dear friend Luke, the doctor, and Demas send greetings. 15 Give my greetings to the brothers and sisters at Laodicea, and to Nympha and the church in her house. 16 After this letter has been read to you, see that it is also read in the church of the Laodiceans and that you in turn read the letter from Laodicea. 17 Tell Archippus: “See to it that you complete the ministry you have received in the Lord.” 18 I, Paul, write this greeting in my own hand. Remember my chains. Grace be with you. (Colossians 4:10-18)
10 Kinukumusta kayo ni Aristarco, na bilanggo ring kasama ko, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Tungkol naman kay Marcos, mayroon nang bilin sa inyo na malugod ninyo siyang tanggapin pagdating niya riyan. 11 Kinukumusta rin kayo ni Jesus na kilala rin sa pangalang Justo. Silang tatlo lamang ang mga mananampalatayang Judio na kasama ko rito sa pangangaral tungkol sa kaharian ng Diyos, at sila’y malaking tulong sa akin. 12 Kinukumusta rin kayo ng kasamahan ninyong si Epafras, na lingkod ni Cristo Jesus. Lagi niyang idinadalangin nang buong taimtim na kayo’y maging matatag, ganap, at lubos na panatag sa kalooban ng Diyos. 13 Saksi ako sa pagsisikap niya para sa inyo at sa mga nasa Laodicea at Hierapolis. 14 Nangungumusta rin sa inyo si Demas at ang minamahal nating manggagamot na si Lucas. 15 Ikumusta ninyo ako sa mga kapatid sa Laodicea, gayundin kay Nimfa at sa iglesyang nagtitipon sa kanyang bahay. 16 Pagkabasa ninyo ng sulat na ito, ipabasa rin ninyo ito sa iglesya sa Laodicea. Basahin din ninyo ang sulat kong manggagaling doon. 17 At pakisabi ninyo kay Arquipo na tapusin ang gawaing tinanggap niya sa Panginoon. 18 Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito. Huwag ninyong kalimutan na ako’y nakabilanggo. Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng Diyos. (Colosas 4:10-18)
Paliwanag
Kailangan maunawaan ng lahat ang tunay na kahulugan ng espirituwal na pamumuno. Ang espirituwal na pamumuno ay isang paglalakbay, hindi isang destinasyon. Ang pakay natin ay hindi upang magkaroon ng titolo kundi magkaroon ng pananagutan sa Panginoon at sa isa’t isa. Kinakailangan na ang mga leader ay nagtitipon nang regular upang magpalakasan at magpaalalahan sa isa’t isa na maging tapat sa paglilingkod.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 10:1-8).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mahalaga na maunawaan natin ang espirituwal na pamumuno ay isang paglalakbay, hindi isang destinasyon?
2. Paano natin maisasagawa ang katotohanan na ito?
3. Kumusta ang espirituwal na pamumuno sa ating grupo?
Main Idea
“Ang espirituwal na pamumuno ay isang paglalakbay, hindi isang destinasyon.” (“Spiritual leadership is a journey, not a destination.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.