Increasing The Responsibilities Of Potential Leaders
DAILY DEVOTIONAL (11-1-2021)
1 Jesus called his twelve disciples to him and gave them authority to drive out impure spirits and to heal every disease and sickness. 2 These are the names of the twelve apostles: first, Simon (who is called Peter) and his brother Andrew; James son of Zebedee, and his brother John; 3 Philip and Bartholomew; Thomas and Matthew the tax collector; James son of Alphaeus, and Thaddaeus; 4 Simon the Zealot and Judas Iscariot, who betrayed him. 5 These twelve Jesus sent out with the following instructions: “Do not go among the Gentiles or enter any town of the Samaritans. 6 Go rather to the lost sheep of Israel. 7 As you go, proclaim this message: ‘The kingdom of heaven has come near.’ 8 Heal the sick, raise the dead, cleanse those who have leprosy, drive out demons. Freely you have received; freely give. (Matthew 10:1-8)
1 Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng lahat ng uri ng sakit at karamdaman. 2 Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: Una ay si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; 3 si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, 4 si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus. 5 Ang labindalawang ito’y isinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan, “Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. 6 Sa halip, hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. 7 Humayo kayo’t ipangaral na malapit nang dumating ang kaharian ng langit. 8 Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. (Mateo 10:1-8)
Paliwanag
Kailangan madagdagan ang responsibilidad ng mga magiging leader upang madagdagan rin ang kanilang kapasidad. Hindi natin alam kung ano ang kakayahan nila ayon sa biyaya ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang awtoridad, abilidad, at malinaw na pagbilin, maaari natin malaman kung hanggang saan ang kanilang kakayahan.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 10:1-8).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano ang ibig sabihin ng kapasidad ng isang leader?
2. Bakit mahalaga na malaman natin ang kapasidad ng isang leader?
3. Paano natin malalaman ang kapasidad ng isang leader?
Main Idea: “Kailangan madagdagan ang responsibilidad ng mga magiging leader upang madagdagan rin ang kanilang kapasidad.” (“Potential leaders must be given increasing responsibilities to develop their capacities.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.