Assigning Leadership Responsibilities To Potential Leaders
DAILY DEVOTIONAL (10-29-2021)
1 Some time after this, Jesus crossed to the far shore of the Sea of Galilee (that is, the Sea of Tiberias), 2 and a great crowd of people followed him because they saw the signs he had performed by healing the sick. 3 Then Jesus went up on a mountainside and sat down with his disciples. 4 The Jewish Passover Festival was near. 5 When Jesus looked up and saw a great crowd coming toward him, he said to Philip, “Where shall we buy bread for these people to eat?” 6 He asked this only to test him, for he already had in mind what he was going to do. 7 Philip answered him, “It would take more than half a year’s wages to buy enough bread for each one to have a bite!” (John 6:1-7)
1 Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. 2 Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang mga himalang ginawa niya sa pagpapagaling sa mga maysakit. 3 Umakyat si Jesus sa bundok kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. 4 Noon ay malapit na ang Paskwa ng mga Judio. 5 Tumanaw si Jesus at nang makita niyang dumarating ang napakaraming tao, tinanong niya si Felipe, “Saan kaya tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?” 6 Sinabi niya iyon upang subukin si Felipe, sapagkat alam na niya ang kanyang gagawin. 7 Sumagot naman si Felipe, “Kahit na po halagang dalawandaang salaping pilak ng tinapay ay di sasapat para makakain sila nang tigkakaunti.” (Juan 6:1-7)
Paliwanag
Kailangan dumaan sa mga pagsubok para lumago ang pananampalataya ng mga magiging leader. Madalas ang mga leader ay komportable na sa kanilang ginagawa. Ayaw nila ng pagsubok. Yung iba naman gusto ang mahihirap na situwasyon para makamtan ang tunay na tagumpay. Napapabayaan tuloy nila ang kanilang sarili at maging ang kanilang mga mahal sa buhay. Sapat na pagsubok lamang para lumago sa pananampalataya ang kinakailangan.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Juan 6:1-7).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga na meron sapat na pagsubok ang mga leader?
2. Ano ang mangyayari kapag wala ito o kaya ay sobra?
3. Paano natin mapapatupad ito sa ating grupo?
Main Idea: “Kailangan dumaan sa mga pagsubok para lumago ang pananampalataya ng mga magiging leader.” (“It takes faith challenges to develop potential leaders.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.
